Once a chickboy...

Illustration: VectorStock.com

Illustration: VectorStock.com

Akala ng marami, maging ng mga taga-showbiz, ay nagbago na ang guwapo at chickboy celebrity.

Devoted family man na kasi ang portrayal niya sa sarili sa social media at so far, wala namang pumuputok na eskandalo about him na may kinalaman sa babae.

Pero lately, may natipuhan pala itong si chickboy. Isang baguhang sexy talent na bagama’t maganda ay hindi pa nabibigyan ng big break.

Sa isang party, hosted by a TV network, nagkakilala ang dalawa. Pareho kasi silang talent ng TV network pero first time na nag-krus ang landas nila sa party na yon.

Doon palang daw ay hindi na inalisan ng tingin ni chickboy si sexy newcomer. Pero tila hindi yata masyadong naka-porma si chickboy dahil masyadong malaki ang party at magiging halatado ang mga “da moves” niya.

Now comes another party. A smaller one. Birthday ng isang talent din ng same network. Isa sa mga bisita si sexy newcomer. Nabalitaan ito ni chickboy.

Ang problema ngayon ni chickboy, hindi siya invited sa party dahil hindi niya ka-close ang celebrant.

Pero naka-isip ng paraan ang mokong. Tinawagan niya ang kaibigan niyang close sa may pa-party. Tsinika niya ito hanggang mapapayag na “gamitin” siya nito para maging welcome siya sa party.

Late night, dumating si chickboy. Bumati sa may birthday, tsumika sandali...

Maya-maya pa, nawawala na siya. Nawawala na rin si sexy newcomer. Nakita silang nag-uusap nang masinsinan sa isang semi-private area. Semi private lang dahil made of glass ang kuarto at kita pa rin ang silhouettes nila. Wala nga lang nakarinig ng pinag-uusapan nila.

Hindi naman sabay na umalis ng venue ang dalawa. Pero this time, diretso nang naiparating ni chickboy ang message niya. 

Ang tanungan ngayon, nagkita na kaya ang dalawa in private? 

Bumigay kaya si girl sa delicious-pa-rin-pero-pamilyadong aktor? 

 

MORE PIK­A­BOO:

Bong­gang pro­ject ni male star, hindi na matu­tu­loy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Fe­male celeb, naisa­han ng dyowa?

Celebrity mom, nawin­dang nang madiskubreng naka­pag­bukas ng malalaswang pic­tures sa In­ter­net ang anak na Grade 1

Promis­ing male tal­ent, tu­manggi sa isang ma­g­a­n­dang role para lang maka-iwas sa lead male tal­ent

Singer-politi­cian, nabigo ang pag-epal

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.