Regalo ni galanteng aktor, na-audit ni misis?

Regalo ni galanteng aktor, na-audit ni misis?

Nagtataka ang isang female showbiz personality na tila paliit nang paliit ang halaga ng taunang Christmas gift ng isang bigating aktor sa kanya mula nang mag-asawa na ito.
Through the years daw kasi ay consistent si aktor sa pamumudmod ng mamahaling klase ng pagkain tuwing magpa-Pasko, na naging tatak na nga niya sa mga kaibigan at kakilala.

Noong nakaraang taon diumano ay ganoon pa rin naman ang binigay nito pero lumiit na. At ngayong taon daw ay totally naiba na ang regalo ni aktor. Sosyal na pagkain pa rin daw ito pero hindi na ’yong nakasanayang niyang natatatanggap mula sa aktor.

Mukang na-edit na daw ng aktres na misis ni aktor ang taunang expenses ni actor. Hindi naman nagbibilang si TV personality kundi nagtataka lang. Inisip nalang niya na baka nagtitipid na si actor dahil pamilyado na nga ito.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.