Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Mas pinili ng isang promising network male newbie ang not-so-meaty role sa isang soap opera na inalok sa kanya over sa mas magandang exposure niya sa isa pang drama show.

Ang dahilan ni promising male bagets, ayon sa aming source, ay para hindi na siya “maharot’ ng bidang male star na sa pakiramdam ni promising male bagets ay lalaki din ang type.

Nakasama na raw pala ni promising bagets sa isang project noon si lead star at noon palang ay nakukulitan na siya sa mga paramdam ni lead star. Hindi rin nakatulong sa mga alinlangan ni bagets ang mga bulong-bulungang naririnig niya tungkol sa diumano ay secret life ni male led star.

Hindi na pinanghinayangan ni promising male bagets ang project kung saan mas kokonti ang cast at mas may chance siyang umangat. Sequel project ito ng loveteam na kinabibilangan ni male lead star at tila gagawing third wheel si promising bagets star. Ayaw daw niyang maging third wheel sa dalawa even off-cam.

Okay na muna raw siya sa smorgasboard casting ng pinili niyang drama show basta lang maging kumportable siya sa mga makaka-trabaho niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sexy young actress, pinagdududahang tibash

Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Kaskaserong bagets, iniwan na ng GF

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.