Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Naalarma ang isang TV host mom nang minsang may na-Google na kalaswaaan ang kanyang seven-year-old daughter sa kanyang iPad.

Naghahanap kasi ito ng pictures ng mga Pusheen dolls or ’yong usong stuffed/plush toy na mga pusa na sumikat dahil sa hango ito sa comic strips.

Hindi pa daw gaanong magaling mag-spell ang bagets kaya nag-type lang ito basta sa Google. 

May kung ano’ng napindot si bagets at ang lumabas na images ay malalaswang litrato ng isang bagay na ang English spelling ay malapit sa spelling ng “pusheen.” So, alam na this.

“Mommy, what’s this?” daw ang agad ng tanong ng bata?

Napatili nang malakas si TV host mom na nakapag-asawa ng isang non-showbiz guy, sabay agaw sa iPad.

Sinisisi ni TV host mom ang sarili dahil nakaligtaan yata nitong i-child protect ang iPad. Bukod pa roon, may matinding realization si celeb mom na dapat talaga ay nababantayan at nalilimitahan ang pagpa-pagamit sa mga bagets ng mga gadgets. 

Kahit pa raw sabihin naka-child protect, advanced at very techie ang mga bata ngayon kaya madali nilang maaral ang mga pasikot-sikot ng mga gadgets. 

Importante talaga na tuwing gagamit ng gadgets ang mga bata ay limitado lang at dapat ay sa presence parati ng mga magulang.

 

MORE PIKABOO:

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Direktor, bistado sa lihim na pangongotong

Sexy young actress, pinagdududahang tibash

Kaskaserong bagets, iniwan na ng GF

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.