Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Sa isang star-studded lamay ng isang namayapang celebrity kamakailan, dumating ang isang lady celebrity-turned-politician. 

Matagal itong nag-stay sa lamay at nakinig pa sa mga nagbibigay ng tribute sa yumao. Pero hindi pala napakali ang celeb-turned-politician dahil kinalabit pala nito diumano ang host ng tribute program that night at nag-deklarang magsasalita din siya at kakanta. At kung pwede raw ay ilagay daw siya sa finale. At the height, mukang may naka-ready itong audio material na ikakasa nalang.

Wala namang masama doon except that wala namang karapatan si host na baguhin ang flow ng program. Isa pa, pili lang ang naimbitahang magsalita. Yong mga alam ng lahat ng close talaga sa namatay o sa pamilya nito. Bulung-bulungan tuloy doon na hindi nila maramdamang sincere ito sa pakikiramay at gusto lang magka-moment at magka-media mileage.

Naloka lang ang mga naka-alam sa gustong mangyari ni celeb-turned-pulitiko dahil epal ang dating sa kanila. The height pa na finale ang slot na hinihingi nito. Hindi na napagbigyan ang hiling nito dahil masisira niya ang flow ng program.

But wait, there’s more. May bitbit pa pala si celeb-turned politician na mga amuyong niya sa lamay at ang ginagawa ng mga ito ay nangangalabit ng mga celebrities na nakikiramay din at hinihingan ng congratulatory greetings sa video camera nila. Pag tinanong ng artista kung para saan…ang isasagot ni amuyong ay: “Para kay Ma’am ___ kasi nanalo po siyang___.” Naloloka ang mga celebs dahil hindi naman sila close para i-congratulate ito on video.

Hindi lang kami sure kung inutusan ni celeb-turned-politician ang mga amuyong na mangalap ng greetings that night o baka naman gaya niya ay ume-epal lang din ang mga amuyong para magpa-lakas sa kanya. Either way, marami ang na-cheap-an sa ginawa ng mga nasabing amuyong.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.