Awang-awa kami sa isang baguhang direktor at sa kanyang production team dahil sa ginawang panlilinlang ng isang retokadang female celebrity. Gusto sana namin s'yang tawaging aktres pero wala pa naman s'yang napatunayan sa larangan ng pag-arte kaya female celebrity nalang muna.
Kuwento sa amin ng taga-production—habang nag-e-empake sila pabalik sa Maynila mula sa Southern Philippines—naantala umano ang kanilang scheduled film shoot dahil hindi nakarating ang bida nilang retokadang female celeb.
Nasa isang magandang probinsya na raw sa South PH ang buong production team ng pelikula at noong araw daw na naka-schedule dumating doon ang retokadang celeb ay nakatanggap sila ng message mula sa handler nito na hindi raw makakarating ang kanilang alaga dahil nahimatay umano ito.
Sinabihan pa ni handler ang production na kelangan magpahinga nang ilang araw ang retokadang female celeb dahil sa sobrang kapaguran. Hindi raw sila makapagbigay pa ng date kung kailan ito next na available.
Dahil doon, nag-desisyon ang production na bumalik nalang ng Maynila kahit naka-set up na at bayad na lahat ng mga location at mga tauhan sa probinsyang pagsu-syutingan. Lumong-lumo daw ang baguhang director-producer na humahawak ng project.
Kaso, pag dating nila sa Manila, nalaman na lang ng direktor at ng kanyang team na hindi pala totoong hinimatay ang retokadang female celeb kundi nasa isang isla ito abroad at nagsu-shoot din ng ibang project kasama ang kaibigan niyang beki director at ilang mga artista.
Nag-post kasi ang beking direktor ng mga photos na nandun sila sa sikat na isla overseas—na pasyalan ng mga mayayaman—on the same day na dapat ay nasa shoot nila si retokadang female celeb.
In short, kakuntsaba nito sa pagsisinungaling ang kanyang handler at ang kanilang management company sa bulok nilang alibi.
Nakakalungkot lang dahil ang inagrabyado nila ay isang baguhang direktor at ang kanyang maliit na production company na nagtiwala sa kanila dahil akala nito ay mga professional kausap ang retokadang female celeb at ang management team nito.
Nakakagalit talaga ang ginawa ng female celeb na ito dahil the height of unprofessionalism talaga ang pagtanggap ng dalawang projects na magkasabay ang schedule. Natural, magsa-suffer ang isa habang mapapaboran ang isa.
Sabi tuloy ng isang mahaderang staff ng naantalang movie: “Ano ba naman yan, anong klaseng artista yan? Buti nga the director entrusted the lead role to her kahit hindi na s'ya minsan makilala sa dami ng retoke sa mukha at katawan n'ya. I really hope na mamahaling sunscreen ang nadala n'ya sa isla para hindi matunaw ang ibang procedures na ginawa sa kanya. At mag-ingat sana s'ya sa pag dive dive sa isla!"
At press time ay nasa abroad pa rin ang nag-alibi na retokadang female celeb at iniisip na ng production team na palitan nalang siya sa proyekto dahil sa laki ng abalang nilikha niya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Mga BONA—mga obsessed at nagpapa-alipin sa pag-ibig—naglipana pa rin sa showbiz
Bagets na olats sa talent, lead actor na dahil sa yayamaning madir
Barakong aktor, willing magpa-book kay galanteng beki kapalit ng milyoneseseseseses
Ma-appeal na aktor, "digital" na ang pambababae
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping