Watch: Sorpresang 50th birthday party ni Michael V. para sa asawa—successful at bongga!

Ayon sa asawa ng multi-hypenate artist na si Michael V na si Carol “Ayoi” Bunagan, she is not the easiest to surprise. More or less ay naramdaman na niyang may nilulutong surprise ang asawa para sa kanyang 50th birthday. Sinasakyan lang daw niya ang asawa sa mga ramdam niyang palihim nitong mga diskarte.

Pero nang gabi mismo nang kaarawan niya at dinala na siya ni Bitoy (tunay na palayaw ni Michael V.) sa venue ng kunwari ay “dinner” nilang pamilya, namangha pa rin si Ayoi sa lawak ng scope nang na-planong party ng asawa para sa kanya.

READ MORE: Surprise bonggang pa-party ni Bitoy sa 50th birthday ng asawa, success!

Lahat kasi ng mga naging kaibigan niya in different stages in her life —college friends, mga dating kasamahan sa PAL (Philippine Airlines), etc—ay present. Hindi niya alam kung paano nahagilap at naipong lahat ni Bitoy under one roof ang lahat ng iyon. And to think daw na natapat sa kabisihan nila ng paggawa ng Family History—ang film na co-produced, written, directed and starred in by Bitoy himself—ang pagpapaka-aligaga din nito sa birthday niya.

Doon sa parting yon na-touch nang husto si Ayoi at 1,000-plus pogi points daw ang mister dahil sa bonggang “golden” party na binuo nito para sa kanya.

How to be you po, Direk Bitoy?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.