Michael V., nangyayakap pag mainit ang ulo

PHOTOS: Anna Pingol & Mic Test Ent., Inc.

PHOTOS: Anna Pingol & Mic Test Ent., Inc.

Directorial debut ni Michael V.—na kilalal rin bilang Bitoy—ang Family History na huhusgahan sa takilya on July 24. Bukod pa ro’n, baptism of fire din nila ito ng asawa niyang si Carol Bunagan bilang mga movie producers through their Mic Test Entertainment, Inc. na nakipag-co-production sa nagbabalik na GMA Pictures (formerly called GMA Films).

 

Biro ni Bitoy, na siya ring bida sa nabanggit na dramedy film opposite Dawn Zulueta, hindi raw uminit ang ulo niya sa set. Uminit daw ito after ng production at makita na niya ang laki ng nagastos nila.

 

Pero seriously, aminado si Bitoy na as director, ilang beses ding nag-init ang ulo niya during the shooting. But unlike other diretors, hindi daw siya naninigaw ng tauhan—mapa-artista man o production staff.

 

“No one specific,” natatawang sagot ni Bitoy nang tanungin kung sino na ang mga nagpa-init ng ulo niya. “Pero production [people] in general. S’yempre, like for example set na hindi mo na gustuhan so mapu-frustrate ka…”

 

Pag nararamdaman daw niyang papaltik na siya, tinatawagan na agad niya ang wife at co-producer niyang si Carol, whom he calls by her nickname Ayoi, para magpa-rescue.

 

“Normally, she knows what to do for some reason,” esplika ni Direk Bitoy. “And she can handle those things a lot better than I could kasi hindi ako p’wede magsalita kasi you have to maintain a certain image and ayaw mo naman madurog ’yong kalooban no’ng mga taong kasama ninyo nagtatrabaho.

 

“Hindi kasi isang araw lang yan, e. Ilang araw yan na nagta-trabaho kayo…magtatrabaho kayo, magkakasama kayo. Ayoko ko ’yong may kainisan ka?”

 

At dahil ayaw niya ng may mabigat na feelings sa set niya at personally ay ayaw din daw niya ng may kaaway o kasamaan ng loob, kaya he makes sure na yayakapin niya ang sinumang nagpa-init ng ulo niya.

 

“So, pagkatapos no’ng diskusyon na ’yon at naayos na, ako I give…I personally make it a point to hug these people na nakasagutan ko—kaya ilang ulit kaming nagyayakan ng mga tao dito. Hahaha!

 

“Ayoko ko kasi no’ng may sama ka ng loob sa akin at ako masama ’yong loob ko. Kailangan ko masabi ’yon.”

 

Ayon din kay Direk Bitoy, nagwo-work out talaga ang tandem nila ng misis niya. Unlike most of partners na hindi pinaghahalo ang business at personal, mas okay daw kina Bitoy at Ayoi na “magka-trabaho” sila.

 

“Siya ’yong sa business side, e,” Bitoy points out. “Hindi ako marunong mag-handle no’ng part na ’yon and as much as ako, e, artista na laging humaharap sa maraming mga tao…mas people person siya. I would have to say that.

 

At saka mas mahaba ’yong pasensya niya…hahaha! Hindi ko lang pinapakita pero ang iksi ng pasensya ko. Hahaha! Especially no’ng ginawa namin itong movie na ito? Parang umabot din sa point na, ‘Aaaah!’ Parang ayaw ko na. Hahaha!

 

“Kaya siya ’yong nakikipag-usap, kaya siya ’yong humaharap sa management palagi sa mga ganyang bagay. And she represents me very well.”

 

Si Ayoi din daw ang taga-disiplina niya kapag medyo nagiging kaswal siya sa gastos. Bilang sa creative side siya, lagi daw siyang may naiisip na kakailanganin ng extra budget, habang ang asawa naman niya ang taga-renda.

 

Aminado si Bitoy na napadalas ang away nila dahil sa mga naranasang nilang birth pains ang pagpo-produce ng pelikula. Pero aminado si Bitoy na 90 percent of the time ay tama ang misis niya.

 

“During production pagka gusto ko ng separate day palaging  sasabihin niyan, ‘Baka naman p’wedeng isang araw na lang…’ Tapos she’ll explain to me why it’s possible…naiintindihan ko naman. . . Hahaha!  Kumbaga, ano lang ako very emotional lang kaya pag nagsimula ako mataas agad, siya ’yong taga-ano ko, taga kalma ko.”

 

Incidentally, sa mga nag-iisip daw na pure drama ang Family History, ini-insist ni Bitoy na may comedy rin dito, specifically, the Bitoy brand of comedy. Tila may gusto lang ma-achieve si Direk Bitoy sa paglalabas niya ng pure dramatic trailer.

 

The movie also includes the BiGuel loveteam (Bianca Umali and Miguel Tanfelix), Kakai Bautista, Ina Feleo, Paolo Contis, Nonie Buencamino at sandamakmak na guests gaya nina Eugene Domingo, John Estrada at Dingdong Dantes.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

Bianca at Miguel, high na high kay Direk Bitoy

 

Michael V.’s party highlights

 

Bitoy’s daughter can be the next "hugot" songs princess

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.