Surprise bonggang pa-party ni Bitoy sa 50th birthday ng asawa, success!

PHOTOS: Nice Print Photography, Anna Pingol, & Allan Diones

PHOTOS: Nice Print Photography, Anna Pingol, & Allan Diones

Ibang klase talaga si Michael V

Sa gitna ng kabisihan ni Bitoy sa promo ng directorial debut niyang Family History ay nagawa pa niyang maging event organizer para sa surprise 50th birthday party ng misis niyang si Carol ‘Ayoi’ Bunagan.

Likas na yata talaga kay Bitoy ang pagiging multi-tasker, kaya kahit may inaasikaso siyang movie promo ay lihim din niyang naiplano ang pa-party para sa kanyang wife of 25 years na si Ayoi.

No’ng gabi ng mismong birthday ni Ayoi last July 5 naganap ang pasorpresa, na ang script ni Bitoy sa kanyang wifey ay may formal dinner sila sa isang hotel with matching pictorial, so kailangan nilang mag-outfit na buong pamilya.

Natatawang kuwento ni Ayoi, medyo nagduda na siya the night before nang bigyan siya ni Bitoy ng isang malaking box na may lamang red gown na may mahabang train. 

Dinner nga lang naman, ganu’n ang pa-outfit? So, may kutob na siya na may paandar ang mister niya. But she went along with it dahil hindi rin niya alam kung ano nga ba ang inihandang sorpresa nito para sa kanya.

Pagdating nila sa Venue 142 sa may Katipunan Avenue, QC ay sure na si Ayoi na may pa-party dahil minsan na silang naka-attend ng event sa lugar na ‘yon.

But still, nagulat ang birthday girl nang madatnan niya sa venue ang lahat ng mga kaibigan at kapamilya niya, na nagsama-sama sa kanyang malaking piging na red and gold ang motif bilang golden girl na siya.

Super-touched at super-happy si wifey sa sobrang kaswitan at pagka-thoughtful ng kanyang hubby, na nagawang i-gather ang lahat ng taong malalapit sa kanya in one room.

Present ang college friends ni Ayoi, ang mga dati niyang katrabaho nu’ng FA pa siya sa Philippine Airlines, ang mga taga-Bubble Gang at Pepito Manaloto and other showbiz friends, at siyempre ang kanilang pamilya led by their four children Milo (25 y/o), Yanni (21 y/o), Migo (16 y/o) and Maypaul (11 y/o).

Bawat table ay may cake na ibinibigay sa may kaarawan at may isang representative from each table na magsasalita at magwi-wish for the celebrator. Habang nagti-table hopping si Ayoi ay si Bitoy ang tagabitbit ng mahabang train ng red gown ng kanyang maybahay.

May cute song number ang mag-amang Bitoy at Maypaul, na kinanta ni Toybits ang Ba’t Gano’n? na theme song ng pelikulang sinulat, dinirek, pinrodyus at pinagbidahan niya na Family History habang tumutugtog ng ukulele ang talented bunso niyang si Maypaul.

Tapos ay meron pang pa-trivia games about the birthday girl na kasali bawat table at pati ‘yon ay hinost ng walang kapagurang si Bitoy.

Isa sa mga tanong sa masayang portion na ‘yon ng party ay kung ano ang unang napansin ni Ayoi kay Bitoy—na ang choices ay (A) boyish looks, (B) singing voice, (C) sense of humor at (D) unique hairstyle.

Singing voice ang correct answer at ipinarinig ni Bitoy ang magandang boses niyang ‘yon nang kantahan niya ng I’ll Always Stay This Way in Love with You si Ayoi na kinikilig na napadayalog ng, “Ang guwapo ng asawa ko!”

Nag-duet din ang malakas maka-couple goals na mag-asawa ng Always ng Atlantic Starr, na madalas daw awitin ni Bitoy nu’ng college days nila at kung saan na-impress si Ayoi sa ganda ng singing voice nito.

Ilan sa mga nakita naming celebrities na nakisaya sa Ayoi@50 ay ang mag-asawang Ogie Alcasid & Regine Velasquez (na kapitbahay nina Bitoy sa Ayala Hillside Estates sa QC), Pia Guanio & hubby Steeve Mago (na kagagaling lang from a Disney cruise sa Alaska), Jessa Zaragoza & Dingdong Avanzado (with their daughter Jayda), Rochelle Pangilinan & Arthur Solinap, Manilyn Reynes, Boy 2 Quizon, Chariz Solomon, atbp.

Ang Mic Test Entertainment ni Bitoy at ng misis niyang si Ayoi ang co-producer ng GMA Pictures sa pelikulang Family History.

Ang birthday wish ng Golden Girl na si Ayoi ay maging blockbuster hit ang nasabing movie ni Bitoy with Dawn Zulueta, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kakai Bautista, Paolo Contis at marami pang iba, na sa July 24 ang showing in cinemas nationwide.

Watch: Sorpresang 50th birthday party ni Michael V. para sa asawa—successful at bongga!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

IN PHOTOS: Pauleen Luna throws surprise birthday party for Vic Sotto

Star Magic's Mr. M just had the most star-studded birthday

Jolina turns 40!

Sandy Andolong's 60th birthday is a thanksgiving celebration

Bitoy’s daughter can be the next "hugot" songs princess

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.