Nawindang ang asawa ng isang actor-politician sa naging karanasan nito sa immigration lane sa California nang huling magbakasyon ito doon.
Natapat kasi si politician’s wife sa immigration officer na Pinoy na malamang ay updated sa mga nagaganap sa Pinas kahit pinili na nitong maging American citizen.
May mga kinasasangkutan kasing corruption issues ang actor-politician husband ni wifey kaya kahit wala itong kinalaman ay natural na damay ito sa inis ng ilang kababayan.
Malamang na isa si naturalized American Pinoy immigration officer sa mga inis sa asawa ni wifey at hindi ito nakapagtimpi nang makaharap nito si politician’s wife.
Insinuated daw kasi sa mga katanungan nito kay wifey ang tila panunumbat na galing sa kaban ng bayan ang gagamitin nitong pera sa bakasyon nito sa Amerika.
Hindi naman maipagtanggol no wifey ang sarili at ang asawa dahil baka magka-eksena at ma-reguse entry pa siya kaya tiniis nalang nito ang panghihiya ng kapwa-Pinoy.
At dahil walang dahilan para i-refuse entry siya, tinatakan naman ni Pinoy immigration officer ang passport ni politician’s wife. Pero bago pa man maka-talikod si misis ay nagpakawala pa daw ng maanghang na one-liner si Pinoy immigration officer.
Ang sabi daw nito: “Enjoy. This might be your last.” Na tila pinapakahulugan ay huling bisita na nito sa Amerika.
Kalurks!
MORE PIKABOO:
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?