Eddie Garcia Eulogy Series | Direk Joel Lamangan “Kailangang gawin nating Pambansang Alagad ng Sining si Eddie Garcia.”

Over the decades, paulit-ulit nang naka-trabaho ni Direk Joel Lamangan ang multi-faceted at multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia kaya naman napakaraming nai-share ni Direk that night tungkol sa kung tawagin niya ay actor na “walang angal, walang angas at napakahaba ng pasensya sa mga ka-trabaho.”

Gaya nalang ng ayaw nitong magpa-double maski mahirap ang stunt, lalo na kung hindi niya natipuhan ang nakuhang double. “Gaya noong ginagawa naming ang Death Row, mga totoong preso ang actors naming para authentic…ang eksena, saksakan. Sabi ko, ‘Upo ka diyan.’ ‘Bakit ako uupo? Hindi ba ako ang lider dito?’ Take! Nakipag-saksakan siya…”

Ang patawang hirit ni Direk Joel: “Buti, hindi nadapa. Ang galing-galing niya.”

At kapag daw hindi nagagamit ang double na kinuha para dito ay ang aktor mismo ang nag-aabot ng pakimkim na pera para dito.

Marami pang patawa anecdotes si Direk Joel, pero in the end, nakiusap siya sa mga naroroon na tulungan silang i-push ang namayapang great actor para hirangin itong National Artist for Film. 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Showbiz pays tribute to an icon—Eddie Garcia

Eddie Garcia Eulogy Series | Sunshine Dizon: “Mami-miss ko ang mga Manoy antics niya sa set.”

Alden Richards read a poem for Eddie Garcia

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.