Sa dami na rin nang pinagsamahan nilang projects ng movie/TV icon na si Eddie Garcia through the years, nakasanayan na raw ni Sunshine Dizon na tawaging “dad” ang pumanaw na aktor. Kaya naman mami-miss daw niya nang husto ang mga lunches at dinners with her “dad” dahil dito raw madalas magpakawala ng mga “Manoy antics” niya ang serysong aktor onscreen pero napaka-palabirong katrabaho off-screen na si Eddie Garcia. Huli niya itong nakatrabaho sa Rainbow Sunset sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2018.
YOU MAY ALSO LIKE: