Eddie Garcia Eulogy Series | Susan Roces, si Eddie Garcia at Gloria Romero ang inspirasyon kaya nag-aartista pa rin

Pinakahuling nagsalita sa unang gabi ng eulogy para kay actor-director Eddie Garcia ang matagal nang kaibigan nang pamilya Garcia na si Ms. Susan Roces, maybahay ng isa sa matatalik na kaibigan ni Eddie na si FPJ or Fernando Poe, Jr., who passed on in 2004. Kaya naman isa sa inalala ni Manang Inday (palayaw ni Ms. Susan Roces sa showbiz) ay ang mga makukulay at nakakatawang behind-the-scenes eksenahan between Manoy and FPJ, whom she calls Ronnie to this day.

Share ni Manang Inday: “Kapag magkasama sila sa pelikula, hihilingin niya na mauna nang kuhanan ang eksena niya. Uunahin naman siya kasi akala nagmamadali…yon pala, pag pack up na siya, kukuhanin niya ang cooler niya ng beer sa kotse, ilalabas niya iyon saka siya pupuwesto sa harap ni Ronnie…iinggitin niya kasi yong isa, nagta-trabaho pa.”

But more than mga funny anecdotes, sinabi rin ni Manang Inday na bilib siya sa disipina nito sa lahat ng bagay lalo na may kinalaman sa kalusugan. “Kaya nga hindi kami naniwala na inatake…” Sa set daw ay nagkaka-inan na ang lahat ng sitsaron pero never mo daw matutukso si Eddie Garcia.

Pero bago nagtapos ang kanyang speech, binigyang papuri din ni Ms. Susan Roces ang kabiyak ng kanyang kaibigan na si Lilibeth Romero dahil ito raw ang number one reason kung bakit sa mahabang buhay ni Eddie ay nabuhay itong masaya…bagay na ikinaluha ni Ms. Lilibeth.

YOU MAY ALSO LIKE: 

Showbiz pays tribute to an icon—Eddie Garcia

Eddie Garcia Eulogy Series | Sunshine Dizon: “Mami-miss ko ang mga Manoy antics niya sa set.”

Alden Richards read a poem for Eddie Garcia

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.