Cecille Licad wows guests at Bibeth Orteza's birthday party

Isang rare musical treat ang naranasan kagabi ng mga piling kaibigang nagsidalo sa 65th birthday celebration ni writer-actress Bibeth Orteza, na gaya ng nakaugalian na ay ginanap sa kanilang bahay ni Direk Carlitos Siguion-Reyna sa North Forbes Park sa Makati.

 

Nagpaunlak kasing tumugtog ang world-renowned classical pianist na si Cecille Licad, na noon ay kagagaling lang sa isang concert tour around the Philippines. Ang birong kundisyon lang nito ay ang mauna munang tumugtog ang asawa ng birthday girl na si Direk Carlitos na bagama’t mahusay ring mag-piano ay biglang na-concious nang si Cecille mismo ang mag-request.

 

Kalaunan ay naupo rin sa harap ng piano si Ms. Cecille at nagpa-unlak nang tatlong piyesa. Nanahimik ang mga guests, kabilang ang pikapika.ph, at tila nagayumang nanood at nakinig nalang sa pambihirang talent na nasa harap nila.

 

First time mapanood ng pikapika.ph ang live performance ni Ms. Licad at talaga namang nakakapigil-hininga pala.

 

Tinanong naming si Direk Caritos later on kung ano ang mga tinugtog ni Ms. Musical Genius at ayon sa kanya, ito raw ay mga piyesa ni Chopin—Nocturne in E flat at Etude No. 3 and 4.

 

Si Chopin—or Frédéric François Chopin—according to Wikipedia, ay ang pamosong “Polish composer and virtuoso pianist of the Romantic era who wrote primarily for solo piano. He has maintained worldwide renown as a leading musician of his era, one whose ‘poetic genius was based on a professional technique that was without equal in his generation.’”

 

Matapos ang impromptu performance ni Ms. Licad ay niyakap ito ni Bibeth at pinasalamatan habang nagpapalakpakan sa paligid ang mga masuwerteng nakatunghay ng palabas.

 

At bilang pa-kuwela ay inabutan ito ni Bibeth ng isang vacumm-packed special tuyo (dried fish) na si Bibeth mismo ang gumawa.

 

Hindi pa agad umualis si Ms. Licad at sandali pa silang nagtsikahan ni Direk Carlitos at isa sa naulinigan naming tanong ni Direk kay Ms. Licad ay kung ano kaya siya ngayon kung hindi siya naging pianist. “I have no idea” ang tanging naging sagot ni Ms. Licad dahil five years old palang daw siya ay nagpa-piano na siya.

 

Samantala, naniniwala si Direk Carlitos na it’s about time na na hiranging National Artist ang internationally acclaimed na si Cecille Licad.

 

Heto ang kuhang video ng pikapika.ph sa impromptu at special na pagtatanghal na iyon ni Ms. Licad:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.