Dating "kaaway" na si Manoling Morato, nagluksa rin sa pagpanaw ni Armida

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Nagulat ang mga bisita at maging mga kaanak ni Armida Siguion-Reyna, fondly called Tita Midz in showbiz, sa pagdating ni dating MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chief at PCOS (Philippine Charity Sweepstakes Office) Chief Manoling Morato sa huling gabi ng lamay para dito sa Heritage Park sa Taguig.

Pero agad siyang winelkam ng mga naulila ni Tita Midz sa pangunguna ng magkapatid na Monique SR-Villonco at Carlitos Siguion-Reyna. Kinamayan din siya ng half-brother ni Tita Midz na si Juan Ponce Enrile na noon ay paalis na sana. Agad na tumungo si Manoling sa kinalalagyan ng urn ni Tita Midz at saglit na nagdasal.

Madalas na katunggali ni Tita Midz si Manoling noong 80s hanggang 90s dahil magkataliwas ang pananaw nila sa freedom of expression ng mga artists at maging sa pagpapatupad ng mga guidelines ng MTRCB, ang ahensya ng gubyerno na pinamahalaan din ni Tita Midz from 1998 to 2001 under President Joseph Estrada’s administration; na nauna nang pinamunuan ni Manoling mula 1986 to 1992 under naman the administration ni late president Cory Aquino. 

(Left photo) Manoling Morato and Senator Juan Ponce Enrile exchange handshakes. (Right photo) Manoling gets warm welcome from husband and wife Opap and Monique Villonco. 

 

Pinagpipiyestahan noon ng media ang palitan nila ng maaanghang na opinyon at pasaring. Kaya marami ay hindi inasahan ang pagsipot niya sa wake ng dating “kaaway.”

Pero ayon kay Manoling, na saglit nakausap ni Jerry Olea ng PEP (Philippine Enterrtainment Portal) at ng pikapika ng gabing ’yon, hindi naman daw sila talaga magka-away. “Matagal ang pinagsamahan namin.

“We just made the movie industry more exciting. We kept the showbiz alive.”

Agad nang nag-beg off si Manoling sa mga nais pa naming itanong dahil hirap daw siyang magsalita gawa ng pagka-paos. He suggested na basahin nalang namin ang column niya sa People’s Journal na lalabas kinabukasan (February 16, 2019) dahil nailabas na raw niya doon ang lahat ng gusto niyang sabihin para ka Tita Midz.

Ibinuhos daw niya roon ang saloobin niya tungkol kay Armida, MTRCB chairperson noong 1998-2001 sa administrasyon ni Erap.

Here’s an excerpt ng mga sinabi niya sa nasabing pahayan:

“I am sad to hear that Armida passed away. May she rest in peace. ‘Yong nangyari sa amin noon, hindi naman tunay na awayan ‘yon. Nagpapaliwanag siya at nagpapaliwanag din ako sa taongbayan. Yes, Armida and I had differences with you in the interpretation of the law guiding the Movie and Television Review and Classification Board or MTRCB for short.  We never hated each other.  Showbiz ‘yong nangyari sa amin; and she knew it.  For one, we kept the movie industry alive sa aming sagutan; and Armida knew that na pag kami nagkikita, mabait naman siya sa akin; at mabait din naman din ako sa kanya.

“I know deep in my heart that there was so much goodness in your heart; and you also saw in me that I was not angry with you. Medyo pilya ka lang, pero deep inside of you, you too had a big heart.  

“Goodbye Armida. May you be with Almighty God forever. With a promise of prayers, Manoling Morato.”

Nahingan namin ng maikling pahayag ang daughter-in-law at confidante ni Tita Midz na si Bibeth Orteza tungkol sa pagdalaw ni Manoling Morato at ayon sa kanya, everybody is welcome sa mga oras na yon na kailangan nila ng pakikiramay.

Saad ni Bibeth: “Natutuwa kami sa mga nakikiramay sa amin…nakiki-isa sa aming kalungkutan. So kung may dumadating dito na medyo in the past e nagkaroon ng sitwasyon na nagka-alitan, hindi mo naman sila babastusin at paalisin dahil ang mauuna pa rin, ang pasasalamat.

And I’m sure kung nandito ang mommy [Armida], mas gusto niya ’yong ano ,e…kasi to that end, Armida was still always old school. Manners is manners.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

FAREWELL TITA MIDZ: A musical tribute for dear Armida Siguion-Reyna

Showbiz mourns loss of veteran singer-actress Armida Siguion-Reyna

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.