Goyo actor Rafa Siguion-Reyna, nahihirapan pa rin mag-Tagalog minsan

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Kahit gumanap na ng historical figure ang actor at showbiz scion na si Rafa Siguion-Reyna ay inamin niyang nahihirapan pa rin siyang magsalita sa Filipino minsan. 

Si Rafa, na anak lang naman ng filmmaker na si Carlitos Siguion-Reyna at aktres na si Bibeth Orteza, at apo ng dating singer at aktres na si Armida Siguion-Reyna, ang gumanap kay Col. Julian del Pilar sa Goyo: Ang Batang Heneral. 

Ito ang ikalawa sa three-part historical franchise na sinimulan ng direktor na si Jerrold Tarog sa Heneral Luna, na naging major hit noong 2015. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rafa Siguion-Reyna (@rafasreyna) on

Pero ayon kay Rafa, kahit na makipagsabayan siya sa pagta-Tagalog doon ay nahihirapan pa rin siyang magsalita sa native language niya minsan. 

Sa New York kasi nag-kolehiyo si Rafa, na kumuha ng kursong Communications sa New York University. 

Natatawang pag-amin niya, "Nano-nosebleed ako pag Tagalog, e. Mas Inglisero ako. I mean kasi, nag-iisip talaga ako in English." 

Pero kung nahihirapan ang aktor ay hindi naman ito halata dahil marami siyang roles na nakukuha, mapa-TV, film, o teatro man. Ayon kay Rafa, masuwerte daw siya dahil sa huling tatlong taon ay nakakakuha siya ng role sa tatlong medium na iyon. 

"Ang goal ko talaga as an actor every year, gumawa ng one of each every year. Gusto ko may indie ako, gusto ko may serye ako one year, gusto ko may teatro ako, gusto ko mag-mainstream movie ako kung kaya."

"It's just a personal goal kasi I feel you learn a lot in each medium e. 

"Sa teatro kasi, di ka pwede mag-break character at tatlong oras ka in character, di ka bumibitaw, so you learn a lot. 

"Sa serye naman, mabilis kang umarte, kasi minsan pagkakuha mo no'ng scripted material mo, ite-take nyo na. Kailangan 'yong instincts mo, mabilis. 

"'Yong movies naman, kailangan it's very technical kasi mahahaba 'yong take, 'yong shot, kasi mainstream movies are on a larger scale. 

"So I learn a lot from all of them." 

Nitong Martes ay pumirma si Rafa ng management contract sa Viva, na naghahandle ng mga artista katulad nila Anne Curtis at Sarah Geronimo. 

Apektado kaya itong career decision niya ng kanyang mga magulang? 

"I wouldn't say [they affect my] career decisions. I would say career advice. They really give me good advice like where to spend my energy on, where to focus on.

"Actually ang career advice nila, their main one for me is take the difficult roles, take the challenging roles, kasi it will really prolong your career.

"You have to show the industry na marunong kang umarte, kaya mong umarte and if you can show them that, you'll be acting forever."
 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.