Ruru Madrid, ipapakita ang mga natutunan sa hand combat, motocross, at martial arts sa Black Rider

Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Abangan din si Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

Photos: GMA-7

Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Abangan din si Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

Ngayong Nobyembre 6, abangan ang pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa action-packed Filipino drama series ng GMA Network na Black Rider.

Mula sa award-winning group na GMA Public Affairs, tampok sa full-action series na ito ang kabayanihan, paghihiganti, hustisya, at kuwentong pampamilya.

Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Abangan din si Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

Si Ruru ay si Elias Guerrero, isang motorcycle driver ng delivery app na Biyahero. Hindi magtatagal ay magkakaroon siya ng isa pang pagkatao – si "Black Rider," isang vigilante na lalaban sa kilalang sindikato na Golden Scorpion.

Kilala sa kanyang hilig na gumawa ng sarili niyang mga stunt, masinsinang nagsanay ang homegrown Kapuso actor sa hand combat, motocross, at martial arts para sa fight scenes ng Black Rider. Itinuturing ni Ruru ang "Black Rider" bilang isang dream come true project.

“Excited na po ako na ibahagi sa inyo ang Black Rider – ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs kung saan pinagsama-sama ang mga artista mula sa iba’t ibang henerasyon. Isang karangalan na makasama ko ang mga tinitingala kong artista sa napakalaking proyektong ito. Maraming salamat, GMA Network, GMA Public Affairs, at Sparkle GMA Artist Center sa pagtupad sa aking pangarap na makagawa ng isang full-action series. Ipinapangako ko sa inyo na ibubuhos ko ang lahat para sa programa na ito," paglalahad ni Ruru.

Samantala, ang Black Rider ang nagsisilbing pinakamalaking proyekto ni Matteo pagkatapos niyang bumalik sa Kapuso Network.

“It's a very nice feeling to get back, working on the craft again,” sabi ni Matteo, na gumaganap bilang Paeng Policarpio, isang matapang na pulis na may malalim na kaugnayan kay Elias.

Nagbabalik din sa paggawa ng teleserye sa GMA si Yassi, na mapapanood bilang si Vanessa “Bane” Bartolome. Si Bane ay isang small time na magnanakaw. Magku-krus ang kanilang landas ni Elias. Mayroon din siyang madilim na nakaraan na kinasasangkutan ng Golden Scorpion.

Nagpapasalamat si Yassi sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa GMA. “It’s nice that everybody is kind, everybody is still warm. Pag dating din sa set namin, ang warm din ng mga tao,” say ni Yassi na excited na raw ipakita ang “badass” side ng kanyang karakter.

Ang homegrown GMA actress naman na si Katrina ang gaganap bilang si Rona Marie Ana 'Romana' Tolentino, isang vigilante na makakasangga ni Elias sa paglabas sa Golden Scorpion.

“I am happy and excited to return to primetime and this time, for a full-action drama series alongside great actors,” pagbabahagi ni Katrina na tiyak na magpapamalas ng kanyang fierce action skills sa serye. “Nag-train po kami para sa aming mga karakter sa seryeng ito kaya naman sana po ay suportahan ninyo ang Black Rider.”

Tampok sa Black Rider ang pinagsamang grupo ng mga young at veteran actors kabilang ang mga iconic action stars na sina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Raymond Bagatsing, Isko Moreno, Monsour del Rosario, at Roi Vinzon; gayundin ang mga batikang aktor na sina Rio Locsin, Gladys Reyes, Maureen Larrazabal, at Almira Muhlach.

Gagampanan naman ni Jon Lucas si Calvin Magallanes. Kahit pareho silang mahusay sa motorsiklo ni Elias, mas pinaiiral ni Calvin ang ambisyon at uhaw sa kapangyarihan sa loob ng Golden Scorpion.

Nakatakdang gawing miserable ang buhay ni Elias ng mga Golden Scorpion Boys na sina Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Saviour Ramos.

Makakasama naman ni Elias bilang Biyaheros sina Empoy Marquez, Janus del Prado, at Rainier Castillo.

Magdadagdag kulay sa serye ang mga sikat na komedyante na sina Empoy at Jayson Gainza; gayundin ang paboritong rapper ng Gen Z na si Shanti Dope, social media stars na sina Pipay at si Ashley Rivera, drag queen Turing, Sparkle artists Prince Clemente and Mariel Pamintuan at young love team nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Ang Black Rider ay produced ng grupong pinangungunahan nina Senior Program Manager John Mychal Feraren; Program Manager Gemma Gonzaga; at Executive Producers Lea Reyes, Jojo Aleta, at Tanna delos Santos.

Ang creative team nito ay binubuo nina Erwin Caezar Verdillo Bravo, ang creator at head writer ng highest GTV series ng 2021 na The Lost Recipe; John Bedia, isa sa mga manunulat ng Descendants of the Sun Philippines; Aeious Asin, isa sa mga manunulat ng Lolong; at Dickson Comia, manunulat ng ilan sa mga long-running anthologies sa Philippine TV.

Ang Black Rider ay sa direksyon nina action director Erwin Tagle, and master directors Rommel Penesa (Lolong) at Richard Arellano.

Abangan ang world premiere ng Black Rider ngayong Nobyembre 6, 8 PM sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV, 9:40 PM. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.