Ramdam ang pasasalamat at excitement sa mga ngiti ni dating Manila city mayor at ngayo'y Eat Bulaga! host Isko Moreno ngayong tuloy-tuloy na talaga ang pagbabalik-showbiz niya.
Maliban kasi sa pagiging regular host ng revamped noontime show na Eat Bulaga!, pumirma na rin siya kahapon, July 20, ng kontrata para maging bahagi ng talent arm ng GMA-7, ang Sparkle.
Ayon sa Facebook post ng 48-year-old actor-politician yesterday, pumapasok umano siya ngayon sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.
Hindi man kasi s'ya pinalad noong nakaraang eleksyon ay heto't mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng industriya.
"Sa bawat nagsasarang pinto may bintana na laging nagbubukas. Ngayong araw, isang bagong yugto ng kabanata na naman ang aking binuksan," pahayag niya sa social media.
Kalakip nito ang ilang photos niya kasama sina GMA's Senior Vice President Annette Gozon-Valdes, Sparkle's Vice President Ms. Joy Marcelo, at Senior Talent Manager Tracy Garcia na kinunan during the contract signing event.
Tila homecoming umano ito para kay Isko dahil sa showbiz industry naman umano siya unang nakilala bago nabigyan ng chance na makapasok sa pulitika.
"Hindi kaila sa lahat na bago ako makilala, pumasok sa mundo ng serbisyo publiko, at pagkatiwalaan ng taumbayan. Showbiz ang aking naging hagdanan at daan para makaahon sa kasadlakan ng aming buhay noon," pagre-recall niya.
"Ito ay sa pamamagitan ni Kuya Germs sa That's Entertainment at GMA Supershow. Kaya It's good to be home... where I started and start over again," he added.
Saad pa ni Yorme, kasunod ng public service, ang pag-aartista raw ang talaga ang first love niya.
"Masaya akong magbalik sa aking first love bilang ta-artits dahil malaki ang utang na loob ko sa industriyang ito," sabi niya.
"Maraming salamat sa muling pagbubukas ng pintuan, GMA-7 Kapuso! [Red heart emoji]," pagtatapos ni Isko.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber