May advice ang ace actress and TV host na si Gladys Reyes sa mga magulang na isinasali ang mga batang anak sa mga beauty or talent contests.
Nangyari ito sa pakikipag-tsikahan n’ya with the entertainment press right after her thanksgiving party na isinagawa n’ya para rin sa press people na naging mga kaibigan na n’ya through the years.
Napag-usapan kasi sa tsikahan ang pagiging busy ng aktres ngayon sa kabi-kabila sa projects bukod sa pagiging hands-on mom n ‘ya at pag-aasikaso sa family businesses nila ng mister n’yang si Christopher Roxas.
At present din ay regular hurado si Gladys sa "Mini Miss U" segment ng It’s Showtime kasama ang seasoned actress din na si Janice de Belen.
“’Yong [It’s] Showtime, ’di ba, for the meantime na habang may 'Mini Miss U,' [nandoon ako] and nag-e-enjoy kami ni Ate Janice kasi every day iba-ibang mga sobrang talented, bibo [na mga contestants ang napapanood namin],” lahad ni Gladys sa amin.
Bagama’t kapuri-puri raw ang mga batang sumasali roon, nagbigay ng paalala ang aktres sa mga magulang ng mga bata.
“Nandu’n ’yong may konting advice ako na…’Di ba, usually, ’yong mga nanay minsan sila ’yong mas gusto mag-artista, ’di ba, kesa du’n sa anak nila, ’di ba? Real talk lang,” saad ni Gladys.
“Pero kasi, gusto ko lang din kasi na ’yong bata ma-enjoy n’ya [ang childhood n’ya],” dagdag pa n’ya.
Naiintindihan daw n’ya ang sitwasyon ng mga bata dahil produkto rin s’ya ng beauty contest noon.
Matatandaang nanalong first runner-up sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga! si Gladys noong 1984 na nagbukas sa kanya ng pinto ng showbiz.
However, never umano s’ya pinilit ng kanyang Mama Zeny na sumali o mag-audition.
“Kasi ako, hindi ko na-experience na, ‘Sumali ka sa Little Miss Philippines!’ Ako ang may gusto,” pagre-recall n’ya.
Ibig sabihin, hindi umano nagpaka-stage mother ang mommy n’ya that time.
“Ay, hindi! Wit! Oo, s’ya ang lagi kong kasama, s’yempre. Bata ako nu’n, e, ’di ba? Pero ako ang may gusto na mag-audition,” diin ni Gladys.
Sa murang edad nga raw n’ya noon ay nakuha na n’yang umarte bilang si Sisa, ang character sa librong Noli Me Tangere ni Jose Rizal, na s'yang pang-laban umano n’ya sa talent competition.
“At ang talent portion ko even before nu’n sa school, Sisa. Imagine-in mo, five, six years old [ako], Sisa na ang ginagampanan ko. ’Yong ‘Crispin, Basilio…’ ’Yong sa Maria Clara [at Ibarra] na Sisa,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres.
Ang punto lang ni Gladys, importante na ang mga bata ang may gusto at naka-suporta lamang ang magulang at hindi nangangarir kundi hinahayaan lang mag-enjoy ang mga anak at para na rin maka-gain ng experience. Suporta umano na walang pressure.
Sa ngayon, maliban sa celebrity talk show n’yang Moments sa Net25 at sa pagiging hurado ng "Mini Miss U" ng It’s Showtime (sa GTV at A2Z and other ABS-CBN digital platforms), nagbabalik-kontrabida rin si Gladys via the upcoming action series na Black Rider na pagbibidahan ni Ruru Madrid sa GMA-7.
YOU MAY ALSO LIKE:
Gladys Reyes, pantasyang masampal at masabunutan ang movie icon na si Vilma Santos
Pika's Pick: Gladys Reyes and Christopher Roxas mark their 30th year of being lovers
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber