VETERAN ACTRESS, BAD EXAMPLE

illustration: Kurl Gutierrez

illustration: Kurl Gutierrez

Hindi magandang halimbawa ang sine-set ng isang beterang aktres na tila throwing her weight around ang drama.

Tumanggap kasi ito ng offer na maging regular ng isang bagong sitcom. At kasama sa pagtanggap niya ng offer ay ang pag-oo din sa mga kondisyones rules na naka-loob sa lock-in taping health and safety protocols.

Una na ’yong bawal lumabas ng confined shooting and temporary habitation venue. Kaya nga lock in ang tawag. Ito ay para maiwasang may makasalamuha ka sa labas o taga-labas na p’wedeng mag-expose sa’yo sa Covid-19 virus, na in turn ay p’wede mong maipasa sa lahat ng taga-production.

Hindi pa man umano nagtatagal ang lock-in taping, na ginanap sa isang ekslusibong lugar sa norte, ay inip mode na si veteran actress.

During a break ay kaswal daw itong nagpa-alam na lalabas siya. May imi-meet umano siyang mga amiga sa labas. Walang nagawa ang pinagsabihan nitong staff na natameme nalang sa pagka-caught off guard. Kilala kasi sa pagka-mataray din ang beteranang aktres.

Pero di pa iyon ang last time na nagpaka-pasaway si Madam. In another incident, hindi nga siya lumabas pero nagpapasok naman ng dalawang bisita sa loob ng lock-in area nila sa hotel na tinutuluyan. Isinumbong na raw ng staff si Madam sa manager nito. Kaya lang ay the damage has been done.

Tila nabalewala tuloy ang effort ng lahat na mag-lock in dahil na-expose din silang lahat sa risk gawa ni Madam.

Pero, may problema din ang mga tao sa production. Dapat ay magtalaga sila ng tao doon na di p’wedeng i-bully ng sinuman sa pagpapatupad ng rules. ’Yong hindi masisindak sa seniority o sa status ng sinuman basta’t alam niya siya ang nasa tama. Dahil ano nalang ang message na p’wedeng mabasa nga iba pang naroon sa pangyayari? Na pag mataray ang star, p’wedeng payagan sa gusto kahit mali?

Buti nalang at di naman na-Covid si veteran actress dahil sa mga meet-and-greet-my-friends drama niya. Otherwise, ang dami niyang p’wedeng nailagay sa risk.

Oh, well.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Pasaway na TV actress, tinabla ng production staff

Bagong retokeng aktres, nag-maselan sa face shield

TF ni voluptuous star, laging kina-iinsekyuran?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.