Pasaway na TV actress, tinabla ng production staff

Pasaway na TV actress, tinabla ng production staff

Akala yata ng TV actress na ito ay lulusot ang pagiging pasaway niya sa panahon ngayon.

Pinagsabihan siya at ang makakasama niya sa lock-in taping na bawal magdala ng personal assistant dahil bilang lang ang mga tao na puwede sa location bilang pagsunod nila sa safety and health guidelines.

Pero walang pakundangan na nagbitbit pa si TV actress ng dalawang kasama. Katwiran ni TV actress na marami raw siyang dala at kailangan may magbantay ng mga gamit niya.

Nagpaliwanag ang production staff na kung may mawala siyang gamit, madaling malalaman kung sino dahil iisa lang daw ang nakatalaga na taga-katok sa mga dressing room. At kakaunti lang sila sa location kaya wala raw sigurong mag-attempt na magnakaw.

Pinagbabawal din ang may ibang tao sa loob ng dressing rooms at exclusive lang daw sa mga artista. 

In short, hindi rin pinatuloy ang mga kasama niya sa area kung saan naka-stay ang ibang artista.

Sinabihan si TV actress na pauwiin ang dalawa nitong kasama at sunduin na lang siya kapag nag-pack up na ang lock-in taping.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.