Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Ang hirap talagang pakiusapan ang mga tao tungkol sa social distancing.

Parating pinapaliwanag sa TV, radio, at social media platforms na bawal ang magdikit-dikit para iwas-hawaan sa COVID-19.

E, paano kung ang mga makukulit na fans na ito ang dahilan kung bakit kumaripas ng takbo ang isang male TV host dahil praning itong mahawaan ng sakit?

Pumunta sa mall ang male TV host para mamili sa supermarket at bumili ng ilan pang essential items na sa botika lang mabibili.

Pinauna na raw sa sasakyan ni male TV host ang mga groceries sa kanyang kasama at siya na raw pipila sa botika dahil baka raw may ipadagdag na ipabibili ang kanyang misis.

Dahil naka-face mask at face shield si male TV host, halos walang nakakakilala sa kanya kaya naging maayos at mabilis siya sa grocery. Pero nung nasa pilahan na siya sa botika, may ilang nakakilala sa kanya at pilit na nakikipag-selfie sa kanya.

Super-deny si male TV host para tumigil na ang mga nangungulit sa kanya dahil ayaw niyang magkaroon ng gulo sa pila. Nakiusap pa siya na huwag silang mamilit dahil nakakahiya ibang taong nasa pila.

Pero tila sabik ang fans na makakita ng celebrity dahil sa tagal ng lockdown kaya di sila mapigilan na lumapit kay male TV host.

Pinatawag na ni male TV host ang security para matulungan siyang mapigilan ang mga fans. Noong lumapit ang dalawang security guard sa pila para mapigilan ang mga fans, sabay takbo ng mabilis si male TV host.

Para nga raw si Flash si male TV host dahil sa sobrang bilis nitong tumakbo. Ang nakakalokah pa, hinabol pa raw siya ng mga makukulit na fans na dedma sa pagpigil sa kanila ng security.

Paglabas daw ni male TV host sa mall, naghihintay na ang kasama niya sa sasakyan at mabilis silang nakaalis bago pa nagkagulo.

Dahil sa pangyayaring iyon, ayaw na raw pumunta pa ni male TV host sa mall dahil nahiya siya sa gulong ginawa ng fans. Inuutos na lang niya o di kaya’y pinapa-deliver na lang niya sa bahay ang mga kailangan nila.

MORE PIK­A­BOO:

Bong­gang pro­ject ni male star, hindi na matu­tu­loy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Fe­male celeb, naisa­han ng dyowa?

Celebrity mom, nawin­dang nang madiskubreng naka­pag­bukas ng malalaswang pic­tures sa In­ter­net ang anak na Grade 1

Promis­ing male tal­ent, tu­manggi sa isang ma­g­a­n­dang role para lang maka-iwas sa lead male tal­ent

Singer-politi­cian, nabigo ang pag-epal

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.