"Dakilang" TV hunk, napilitang mag-adult diaper sa isang live guesting nang walang magkasyang underwear na pamalit sa nadumihan niya

Dahil kapos na sa oras at hindi na makakabili ng tamang sukat na underwear para kay TV hunk, nag-suggest ang isang staff ng show na mag-diaper na lang ito. Meron kasing nabibili na adult diaper sa malapit na tindahan.

Illustration: Sych Ancheta

Dahil kapos na sa oras at hindi na makakabili ng tamang sukat na underwear para kay TV hunk, nag-suggest ang isang staff ng show na mag-diaper na lang ito. Meron kasing nabibili na adult diaper sa malapit na tindahan.

Dahil sa pagiging "dakila" ng TV hunk na ito kaya wala raw magkasya sa kanyang underwear noong kinailangan niya ito para maisuot sa isang live show.

Noong araw daw ng guesting ni TV hunk sa show, biglang kumulo ang tiyan nito dahil sa kinain nitong almusal. Nasa studio na raw si TV hunk noong kailangan na niyang gumamit ng kubeta. Ang nangyari ay narumihan niya ang suot niyang underwear at wala siyang dalang pamalit.

Nag-offer naman ang kasabay niyang guest actor na ipagamit ang dala niyang underwear. Bago naman daw at hindi pa naaalis sa plastic. Pero noong isuot na ni TV hunk, sobrang sikip at hindi kayang maitago ang kanyang pagiging daks.

Natatawang kuwento ng source: "Naku nakasilip daw ang ulo ni Jun-jun! Kahit na pareho ang laki ng katawan ng dalawang aktor, magkaiba naman sila pagdating sa sukat ni Jun-Jun. Pilit daw na tinatago ni TV hunk si Jun-Jun niya sa sinukat na undewear pero nasasakal daw ito at hindi niya maitago. Biro tuloy ng kasamang aktor kay TV hunk, 'Grabe! Ano ba pinapakain mo dyan?!'"

Dahil kapos na sa oras at hindi na makakabili ng tamang sukat na underwear para kay TV hunk, nag-suggest ang isang staff ng show na mag-diaper na lang ito. Meron kasing nabibili na adult diaper sa malapit na tindahan. 

Mabuti na lang daw at maluwag ang pinasuot na overall sa TV hunk kaya hindi halatang may suot syang adult diaper. Nahirapan lang daw itong maglakad dahil medyo makapal yung diaper. 

"Wala namang choice si TV hunk, di ba? Kesa naman sa lumabas siya sa show na wala siyang salawal at kumakale-kalembang ang ari niya sa loob ng ipapasuot namin na costume, maglampin na siya para na rin safe si Jun-Jun dahil nakatago ito at hindi na sumisilip ang ulo," sey pa ng source.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping

Singer-actor, chickboy by day, male afam hunter by night?

Newbie actor na nagparetoke ng ilong, hindi na maka-arte ng tama sa sobrang pagka-conscious

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.