Newbie actor na nagparetoke ng ilong, hindi na maka-arte ng tama sa sobrang pagka-conscious

Ang hindi lang daw naging magandang epekto ng pagpapateoke ng aktor ay masyadong naging conscious na ito sa hitsura niya. Dahil sa bagong ilong, panay ang check niya sa salamin at hindi na raw ito maka-arte nang maayos.

Illustration: Katrina Jamilano

Ang hindi lang daw naging magandang epekto ng pagpapateoke ng aktor ay masyadong naging conscious na ito sa hitsura niya. Dahil sa bagong ilong, panay ang check niya sa salamin at hindi na raw ito maka-arte nang maayos.

Pansin ng marami na malaki ipinag-iba ng mukha ng newbie actor na ito dahil sa pagpaparetoke ng ilong.

Reak ng ilang mga naka-trabaho na nito, hindi na raw nangangasim ang facial expression nito dahil nabago na ang hugis ng ilong niya. Mas naging guwapo na raw ang newbie actor at bumagay naman ang pagpapatangos niya ng ilong.

Pero kung merong naka-appreciate ng new look niya, meron namang hindi nakakilala sa kanya!

Nakakatawa na kailangan pa raw magpakilala ng newbie actor sa ilang kasamahan dahil malaki nga ang pinagbago ang hitsura niya.

Ang hindi lang daw naging magandang epekto ng pagpaparetoke ng aktor ay masyadong naging conscious na ito sa hitsura niya. Dahil sa bagong ilong, panay ang check niya sa salamin at hindi na raw ito maka-arte nang maayos.

Sey ng aming source: "Mabuti pa nga noong hindi pa siya nagpaparetoke ng ilong, may character ang mukha niya. Hindi siya nahihirapan magpakita ng emotions. Sa bagong ilong niya, naging conscious siya at hindi na makaarte ng tama. Kasi nga, ang concern niya ay ang ilong niya. Kaya 'yung direktor nila, imbiyerna na sa kanya dahil nakaka-ilang takes dahil wala siyang maipakita na tamang emosyon sa pag-deliver niya ng dialogue."

Dahil din sa bagong retokeng ilong, naging sobrang maingat ang newbie actor at iniiwasan niyang matamaan o masagi ang mukha niya at baka mawala sa posisyon ang ilong niya.

Ito ang daing ng isang talent coordinator (TC) sa newbie actor dahil hindi na raw nila mapaglaro ito sa anumang games kapag kinukuha nila itong mag-guest.

"Paano nga naman siya maglalaro, e, ang ingat-ingat niya sa ilong niya. Hindi na siya p'wede maglaro ng games. E, ang games pa naman sa show namin, bardagulan, kaya hindi maiiwasan na aksidenteng matamaan o pumalakda siya sa sahig. Hindi naman pinangarap ng show na sagutin ang anumang masira sa pinaretoke niyang ilong, 'di ba?"

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres na feeling Hollywood star sa mga kakaibang demands, nilaglag nalang sa isang bonggang teleserye

Aktres, palihim na lumipat ng bahay para iwasan ang ex-partner na pumupuslit para maghakot ng gamit

Breadwinner na sexy actress, hirap pagkasyahin ang kinikita; pamilya, sana tumulong na

Malamyang female TV host, na-threaten mapalitan matapos ma-memo-han ng mga boss

Aktor, mahiwaga ang pagka-moody

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.