Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping

"Hiyang-hiya si veteran actress dahil alam niyang naabala niya ang taping. Wala ang nagtatahi ng costume sa set kaya pinag-jacket na lang siya sa mga eksena. Kaya kahit na pawisan siya init ng ilaw sa set dahil sa suot niyang jacket, tiniis iyon ng lola mo. Pero in fairness, one take ang lahat ng eksena niya kaya naging mabilis pa rin ang pacing ng taping," lahad ng source.

Illustration: Katrina Jamilano

"Hiyang-hiya si veteran actress dahil alam niyang naabala niya ang taping. Wala ang nagtatahi ng costume sa set kaya pinag-jacket na lang siya sa mga eksena. Kaya kahit na pawisan siya init ng ilaw sa set dahil sa suot niyang jacket, tiniis iyon ng lola mo. Pero in fairness, one take ang lahat ng eksena niya kaya naging mabilis pa rin ang pacing ng taping," lahad ng source.

May pinagawang costume para sa veteran actress para sa kanyang role sa isang bagong teleserye. One week before siya mag-taping ay sinukatan na siya para lapat ang gagawing costume niya for the show. Pero pagdating sa set, nagkaroon ng aberya dahil noong isuot na raw ni veteran actress ang costume, biglang nasira ang zipper nito!

Isasalang na lang daw sa set ang aktres pero habang naglalakad ito ay biglang bumuka ang zipper sa tagiliran ng costume .

Kuwento ng aming source: "Nabulabog ang lahat ng tao sa set kasi biglang sumigaw ang lola mo. Akala namin ay may kung anong nangyari sa kanya on the way sa set. 'Yun pala ay bumuka 'yung zipper ng costume niya. E, ang daming staff na nakakita sa nangyari kaya siya napasigaw. Kaya binalik siya ulit sa dressing room at natigil muna ang taping. E, halos lahat ng kukunan na eksena ay sa kanya. Kaya habang inaayos ang costume niya, tengga ang mga tao sa set."

Panay ang sorry ni veteran actress dahil sa delay na nangyari.

Nagtaka naman ang production designer kung bakit bumuka ang zipper, e, tama naman daw ang sukat ng wardrobe mistress rito at nag-fitting pa raw sila bago mag-Holy Week.

Nalaman ng aming source na nagbakasyon pala si veteran actress noong Holy Week at kumain nang kumain. Kaya 'yung sukat niya ay naiba na kaya sumikip ang costume sa katawan nito.

"Akala yata ng lola mo, madadaan niya sa girdle or sa body shaper 'yung biglang paglaki ng katawan niya. Ayun hindi kinaya ng zipper ang lapad niya kaya nasira. Sinabihan naman siya ng production na ang taping niya ay after Holy Week. Mukhang nag-enjoy lumafang ang lola mo kaya hayan, warak ang dress sa kanya!" tawa pa ng aming source.

Sinubukan daw na remedyuhan ng production designer ang costume ni veteran actress, pero wala raw silang sewing machine o mga tela sa set. Kaya nagdesisyun na lang silang pasuutin na lang ng jacket si veteran actress sa lahat ng mga eksena niya. 

"Hiyang-hiya si veteran actress dahil alam niyang naabala niya ang taping. Wala ang nagtatahi ng costume sa set kaya pinag-jacket na lang siya sa mga eksena. Kaya kahit na pawisan siya init ng ilaw sa set dahil sa suot niyang jacket, tiniis iyon ng lola mo. Pero in fairness, one take ang lahat ng eksena niya kaya naging mabilis pa rin ang pacing ng taping," dagdag pa ng source.

And In fairness pa rin naman daw sa veteran actress, nagpa-order ito ng merienda para sa lahat ng staff sa location bilang pambawi niya sa pagiging cause of delay ng taping.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Singer-actor, chickboy by day, male afam hunter by night?

Newbie actor na nagparetoke ng ilong, hindi na maka-arte ng tama sa sobrang pagka-conscious

Aktres na feeling Hollywood star sa mga kakaibang demands, nilaglag nalang sa isang bonggang teleserye

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.