WATCH: The Dabarkads’ Holy Land tour in 5 minutes

From March 13 to 21 ay nasa pilgrimage tour ng Holy Land ang halos buong tropa ng Eat Bulaga! 

Tuwing may pagkakataon ay bumibiyahe talaga ang buong grupo ng Eat Bulaga—mula on-cam personalities hanggang mga tauhan nito off-cam—para mag-recharge. May mga pagkakataong umaabot sila ng 40 katao, minsan naman ay maliit na grupo lang.

Kadalasan ay itinataon na nila ang biyahe kapag may imbitasyong mag-show ang Eat Bulaga sa ibang bansa gaya ng Dubai, Abu Dhabi, Japan, Canada, at Amerika. Pero marami ring biyahe na hindi work and play kundi complete R&R gaya ng pagbisita nila noon sa Italy at ang madalas nilang pagbiyahe sa iba’t ibang part ng Japan.  

Si Mr. T (or Tony Tuviera), ang man behind TAPE, Inc. na producer ng show ang may idea ng mga biyaheng ito. Mahilig din kasing mag-biyahe si Mr. T at gusto niyang nagba-bond talaga outside of work ang EB family.

This time, Holy Land pilgrimage ang pinili ni Mr. T para sa all-expense paid treat niya para sa mga Dabarkads na nataon namang pasok sa Lenten Season.

The Dabarkads landed in Israel on Wednesday, March 13 at ang first stop nila ay ang ancient city of Caesarea, the site of the old Roman Aqueduct.

Sa TVJ (Tito, Vic, and Joey), tanging si Vic Sotto lang, along with his wife Pauleen Luna, ang nakasama. Hindi kasi maiwan ni Senator Tito Sotto ang senate duties niya; habang nataon naman ikakasal ang anak ni Joey de Leon na si Jako. (Jako’s wedding took place on March 16.)

Hindi rin nakasama si Paolo Ballesteros dahil sa isang film commitment, habang nagkasakit naman si Anjo Yllana. Si Ruby Rodriguez din ay nag-pass dahil may knee injury ito at hindi kakayanin ang mahahabang lakaran. Walang malinaw na dahilan kung bakit hindi nakasama si Jose Manalo.

Bagama’t may kanya-kanyang bitbit na camera ay trip ng mga Dabarkads mag-posing before Ryan Agoncillo’s camera dahil alam nilang professional photog ito. Si Ryan na rin ang nagsilbing “official photographer” ng grupo na dating role ng yumaong Dabarkads na si Francis Magalona.

Ang pilgrimage leader nila ay si Father Jeff Quintela, na siya ring nagkasal kina Vic at Pauleen. Si Father Jeff din ang nagbi-bless ng mga kotse ni Alden Richards.

Bukod sa Israel, nagpunta rin ang Dabarkads sa Jerusalem at Bethlehem. Isa-isa din silang nagpa-binyag sa Jordan River (kung saan din biniyagan si Jesus ni St. John) at naligo rin sila sa Dead Sea.

Isa sa highlight ng trip nila ay ang pagbisita sa Petra na isang historical and archaeological city in southern Jordan na na-deklarang UNESCO World Heritage Site since 1985.

Nakabalik na ng Pilipinas ang grupo, pero magka-kanya-kanyang lipad na naman ang mga Dabarkads dahil level up na ang kanilang annual Lenten TV drama presentations. I-su-shoot ang tatlong magkaka-ibang episodes sa tatlo ring bansa—Japan, Hong Kong, at Myanmar.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.