Last August 7 ay nagkaroong ng isang simpleng belated thanksgiving mass at pa-party ang cast and crew ng Eat Bulaga! kasama pati ang mga empleyado ng TAPE (Television And Production Exponents) Inc., na siyang producer ng show.
Ang salu-salo, na ginanap sa loob ng kanilang studio sa Broadway Centrum pagkatapos ng live show, ay para sa selebrasyon ng ika-39th year Eat Bulaga! sa ere.
To add nostalgia to the event, mula celebrity hosts hanggang sa mga office employees ng TAPE, Inc. ay nagsuot ng pula o puting customized shirt at nakatatak doon ang taon kung kailan sila nagsimulang maging bahagi ng longest-running noontime show on local TV na nagsimulang mapanood ng sambayanang Pilipino noong July 30, 1979.
Next year, asahang may ihahandang mas malaking celebration on and off cam ang Eat Bulaga! to boast its 40 historic years on TV.
Calling it a class picture, the Eat Bulaga! family--composed of the pillars, celebrity hosts, and some 100+ off-cam personnels and employees--gathered themselves at the audience gallery to achieve this group picture.