Vice Ganda, nakipagharutan sa isang fan na umattend ng kanyang concert

Unang gabi pa lang ay nagpasabog na si Regine Velasquez at Vice Ganda sa The Songbird and the Songhorse, ang kanilang three-night concert sa Araneta Coliseum. 

Maliban kasi sa bonggang costumes at performance ay naranasan din ng Valentine's day audience na humagalpak ng tawa. 

Kabilang sa concertgoers ang isang biyudong tatay na naka-chikahan ni Vice nang bumaba siya para batiin ang kaniyang fans sa audience. 

Ayon kay Tatay, niregaluhan lang daw siya ng ticket ng anak niya para makanood dahil "talagang hangang-hanga" siya kay Vice. 

"Ako pala talaga ang date mo ngayon," sagot naman ni Vice, na halatang touched. 

In usual Vice fashion, sinundan niya ito ng isang naughty question: "Gusto nyo po after ng show mag-check in tayo?"

Natatawang sagot naman ni Tatay: "Ayoko ng maluwag!"

Panoorin ang nakakalokang eksena in this video! 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.