Sean De Guzman, pinanghinayangan ang pagtaya sa isang no-label na relasyon noon

At present ay happy sa pagiging single si Sean na nakatutok sa kanyang showbiz career. Naranasan daw kasi n’yang tumaya at matalo sa isang relasyon noon. 

“Alam mo ’yon, nag-aksaya ako ng oras [sa isang relasyon]. Walang commitment, no labels,” pag-amin niya. “Pero gusto ko rin naman, ayoko rin naman na mawala s’ya hanggang sa hinintay ko na lang din na s’ya ’yong sumuko. 

“Kumbaga, nanghinayang lang ako du’n sa time na imbes na nag-focus ako sa ginagawa ko, sa career.”

Sa ngayon, masaya naman daw s’ya sa newly found friendship with AJ Raval na co-actor n’ya sa upcoming movie nila under Viva Films na Taya

(Nauna nang i-launch ang kanilang sexy loveteam sa pelikulang Nerisa na currently streaming pa rin sa Vivamax).

“Sa mga pinakita n’ya sa akin sa pagsasama namin [sa mga pelikula], may mga nagustuhan ako na pinakita n’ya sa akin,” lahad ni Sean. 

“Kaya rin siguro nagustuhan ko s’ya bilang isang tao kasi sobrang totoo ni AJ, e. Wala s’yang tinatago. 

“’Yong ibang sikreto n’ya sinabi n’ya sa akin. Parang ganu’n s’ya katiwala sa akin kahit na this year lang kami nagkakilala. Ganu’n na ’yong tiwala n’ya sa akin.”

Tatayaan ba n’ya ang isang AJ Raval kung sakali?

”Oo, s’yempre. Tatayaan natin,” natatawang tugon ni Sean. “Kasama pati pato.”

Ang pelikulang Taya, which is directed by Roman Perez Jr. who also directed the erotic-thriller Adan and written by 2018 Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala, ang tungkol sa isang journalism student (Sean) na nalulong sa online gambling dahil nag-fall siya sa babaeng “pa-premyo” dito. Pero dahil sa betting error, mali ang babaeng natayaan niya at si Nanette (AJ) na dadating sa kanya. He will fall deeply for Nanette kaya nanaisin niyang isalba ito mula sa kamay ng mga sindikatong nagpapatakbo ng online gambling na kina-adikan niya.

Dubbed as the “pinaka-sugapang pelikula ng taon,” Taya will start screening on August 27 on the following streaming platforms:  ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, and VIVAMAX.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.