No. 1 qualification ni AJ Raval sa future boyfriend: “Hindi sugarol.”

Napaso si AJ Raval sa kanyang ex-boyfriend na sugarol. Paano ba naman ay siya daw ang na-stress sa pagsalo sa mga utang nito.

Nai-reveal niya ang tungkol dito sa online press conference kamakailan ng pinagbibidahan niyang pelikulang Taya na tungkol sa mga online gambling. Natanong kasi siya kung nakaranas na siyang tumaya sa mga ganoong online pasugal or maski hindi sa online. Aniya, wala daw siyang alam na sugal pero may ex-boyfriend na daw siyang nalulong sa sugal. Sa panunumbalik ng memory, nasabi tuloy niyang gusto niyang “isampal” ang pelikula niyang Taya sa taong ’yon.

Nang maka-online tsikahan naming siya exclusively kamakailan, nag-follow up question kami tungkol doon.

Ang unang bumagabag kasi sa amin ay kung paano siya umabot sa puntong siya ang sumalo sa mga utang nu’ng guy?

“Siguro po kasi, mahal ko...ayaw ko po siyang mahirapan,” pagtatapat naman ng bagong Pantasya ng Bayan. “Mahal ko po siya.”

Pero agad din naman daw siyang nauntog at nakapag-isip-isip na mali ang pagiging enabler niya.

“Nagising din naman po ako na hindi po pala tama ’yon,” agad na pahabol niya. 

Ani pa ni AJ, nasa showbiz na raw siya noon kahit papaano kaya may “pang-abono” na siya kumbaga. Pero hindi raw taga-showbiz ang guy.

Isa daw ang guy na ’yon sa masasabi niyang “wrong bet” sa buhay dahil talong-talo siya sa sitwasyon. 

“Parang binigay ko naman po lahat [sa kanya],” hugot pa ni AJ. “Hindi naman po ako nagkulang pero gano’n pa rin po ang trato sa akin.”

At dahil napaso na, kaya numero unong criteria niya sa lalaking mamahalin ay ’yong walang alam sa sugal.

“Basta hindi po nagsusugal at responsible,” dagdag niya.

Ang kapareha niya sa Taya na si Sean De Guzman ay aminadong nakapag-online gambling pero agad naman daw na-disiplina ang sarili para tumigil na nang mapansing papa-sugapa level na siya.

Kaya p’wedeng pasok na ito sa criteria ni AJ. Kapansin-pansin na kasi ang pagiging cozy nila sa isa’t isa magmula nang una silang ipareha sa pelikulang Nerisa (na streaming pa rin sa Vivamax). Marami ang nagsasabing may chemistry sila at nagra-radiate iyon even off-cam.

Ani AJ, pinag-usapan daw kasi nila ni Sean na sikaping maging comfy para hindi sila maiilang sa gagawing love scene sa Nerisa. At ngayong nagsama ulit sila—as bida this time—sa Taya, tila mas lumevel up pa ang kanilang coziness dahil nakakapag-bargasan sila nang bongga.

Sabi pa niya, nasa level na raw sila na nakakapag-offensive jokes na nang walang napipikon. 

At dahil pareho naman silang single kaya sini-ship sila ng mga kaibigan gaya ni Taya director, Roman Perez, Jr., who also attested kung gaano ka-close ang dalawa.

Wala naman daw problema, ani AJ, except that right now, career ang priority niya. Mas pinipili daw niya ito sa ngayon over love or relationship. Pero hindi niya isinasarang p’wede siyang mag-fall kay Sean.

Boyfriend material naman daw ito and he possesses some of the qualities na gusto niya sa isang ka-relasyon.

“Kung ready po ako, why not po,” say ni AJ.”Pero kung si Sean po kasi, ayoko pong masira ’yong friendship namin if ever. Iba po kasi ’yong samahan namin, e.”

Abangers nalang us.

Meantime, ang Taya, which is directed by Roman Perez Jr. who also directed the erotic-thriller Adan and written by 2018 Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala, ang tungkol sa isang journalism student (Sean) na nalulong sa online gambling dahil nag-fall siya sa babaeng “pa-premyo” dito. Pero dahil sa betting error, mali ang babaeng natayaan niya at si Nanette (AJ) na dadatin sa kanya. He will fall deeply for Nanette kaya nanaisin niyang isalba ito mula sa kamay ng mga sindikatong nagpapatakbo ng online gambling na kina-adikan niya.

Dubbed as the “pinaka-sugapang pelikula ng taon,” Taya will start screening on August 27 on the following streaming platforms:  ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, and VIVAMAX.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.