Sarah, maraming beses na-punchline ng Ate Regine niya tungkol kay Matteo sa Unified concert

Pasok ang mga instant at unscripted hirit ni Songbird Regine Velasquez sa little sis niyang si Sarah Geronimo during the first night ng kanilang two-night historic Valentine concert na Unified last Friday, Valentine’s Day mismo, sa Araneta Coliseum.

Opening spiel palang, nakapuslit na ng punchline si Regine Kay Sarah. Ang show daw ay tungkol sa love at lovelife, “particularly, your lovelife!”

Panay bungisngis lang naman ang naisasagot ni Popstar. Habang dumadagundong naman sa kilig at tilian ang mga Popsters.

Pero may isang moment na sumakay si Sarah at nagpa-kawala ng line na: “Sige, sasagutin natin yan next time?”

Alamin kung ano yon by clicking the video. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.