Regine Velasquez, muntik nang mag-back out sa film project sa CinemaOne

Regine Velasquez, gustong mag-back out bago pa mag-taping sa film project for Cinema One na Yours Truly, Shirley? Know more by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena (L) and Cinema One Originals on Facebook (R)

Regine Velasquez, gustong mag-back out bago pa mag-taping sa film project for Cinema One na Yours Truly, Shirley? Know more by scrolling down below!

Ang Yours Truly, Shirley, na isang entry sa 2019 Cinema One Originals film festival, ay nagsisilbing acting comeback ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa silverscreens. Huli natin siyang makitang umarte sa pelikula noon pang 2013 sa Joyce Bernal flick na Of All The Things kasama si Aga Muhlach; habang naunsiyami naman ang indie film niyang Mrs. Recto noong 2010.

Sa media launch ng Cinema One Originals film fest sa Dolphy Theater noong Martes, October 22, aminado ang singer-actress na wala daw siya sa wisyong umarte nang in-offer sa kanya ang Yours Truly, Shirley ni direk Nigel Santos.

“As a matter of fact, medyo matagal na kong hindi gumagawa ng pelikula,” inamin ni Regine. “Wala ako doon sa tamang wisyo ng paggawa ng pelikula. Ewan ko parang tinatamad ako. Parang, gusto ko lang muna kumanta. Anyway, I’m a singer naman talaga,”

Ngunit, nang niligawan na siya ng crew ng Yours Truly, Shirley para bigyang buhay ang titular character, sinabi naman niya na nagkaroon siya ng interes sa karakter. Subalit, inamin niya na bago mag-start ang shooting, na-isip niyang mag-back out dahil sa pagdadalawang isip kung gusto niya ba gawin ang pelikula.

Sabi ko sa kapatid ko, ‘Pwede bang mag-back out?’” kwento niya. “So, minura niya ko. Thank you very much to my sister Cacai. Yes. Tapos sabi ko ‘sige’ kasi, apparently, takot ako sa kanya. Sabi ko ‘Gawin ko na lang.’

[Regine is referring to her younger sister Cacai Velasquez-Mitra, who is also her business manager.]

Sabi ng actress-singer na nagkakaroon siya ng panahon na hindi niya sigurado kung gagawin niya ba ang isang proyekto o hinde ngunit pagsalang niya sa unang araw ng set, na-enjoy niya naman kahit papaano ang paggampan bilang Shirley.

Na-enjoy ko na ulet ’yong buong proseso ng paggawa ng pelikula,” sabi ni Regine. “So, the whole two weeks for me was very enjoyable.”

Watch Regine recount the experience below!

YOU MAY ALSO LIKE:

Regine Velasquez pokes fun at herself with a hilarious tweet

Regine Velasquez to bashers: “If you do not like us, unfollow.”

WATCH: Regine, kinomedi ang pagkadulas

Sharon gave Regine a diamond ring after their duet

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.