Jo Berry, ginisa ng mga beki reporters tungkol sa lovelife

Madalang makaharap ng entertainment press ang little person na si Jo Berry kaya naman isa siya sa kinuyog sa grand media launch ng The Gift, kahapon, September 9, sa Prime Hotel sa Quezon City.

Si Jo Berry ay sumikat nang magbida sa Onanay  ng GMA-7 last year opposite Nora Aunor and Cherie Gil lang naman. And this time, si Alden Richards naman ang makaka-batuhan niya ng dialogues sa The Gift na magti-TV premiere on September 16.

Bagama’t adoptive mom ni Alden ang gagampanan ni Jo sa The Gift, aminado siyang crush niya ang binata. Pero agad niyang nilinaw na hindi romantic crush ito, kundi pagpa-fangirl lang. Doon na nagsimulang ma-grill si Jo tungkol sa kanyang buhay pag-ibig bago pa man siya naging artista.

At dahil naturally kalog at bungingis din si Jo, kaya naman naging tawanan ang ending ng tsikahan. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.