Sino kaya among Dingdong, Derek, Jericho, and Gerald ang makaka-May-December affair ni Cherie Gil sa pelikula?

PHOTOS: @macherieamour, @dongdantes, @ramsayderek, @jerichorosalesofficial, @andersongeraldjr

PHOTOS: @macherieamour, @dongdantes, @ramsayderek, @jerichorosalesofficial, @andersongeraldjr

Uso ngayon ang mga pelikulang may temang May-December affair na may mga steamy love scenes between the stars. Naging patok ang digital series na Glorious nina Angel Aquino at  Tony Labrusca sa iWant, habang may paparating naman na Belle Douleur (Beautiful Pain) si  Mylene Dizon at Kit Thompson para sa Cinemalaya Film Festival 2019.

Kaya naman sa press conference kamakailan ng StarStruck Season 7, kung saan isa sa tatlong council members ang brilliant actress na si Cherie Gil, hindi naiwasang maitanong dito kung carry din ba niyang gumanap ng role na kagaya ng kina Angel at Mylene.

Ikinatuwa ng mga interviewers ang sagot ni Miss Cherie.

“Meron din ako, malapit na,” pagmamalaki niya.

Pero agad naging tikom ang bibig niya nang tanungin kung sino ang leading man niya.

“Pinag-uusapan pa…sana makuha nila. Hindi muna ako magsasalita masyado. It’s with TBA [Studios].”

May napili na raw sila ng TBA at type daw niyang maka-trabaho ito kaya naman she’s keeping her fingers crossed na sana ay makuha ang aktor.

“Hindi ko masabi. Hindi pa namin makuha… hindi pa namin alam kung nag-yes,” pambibitin ni Miss Cherie. 

Pinapili nalang ng entertainment press si Miss Cherie kung sino ang mga posibleng mapusuan niyang mas batang leading man kung sakali. Kung sino ang malakas ang dating sa kanya, kumbaga.

“Do’n ako nahirapan. Kasi hindi ko pa talaga alam, e. E, alam mo naman pinaunahan na ako ni Mylene [Dizon] at Kit [Thompson]. Muhusay ba siya umarte? Wala lang siyang p’wet,” prangkang tsika ni Miss Cherie in a very Cherie Gil manner. 

Pero mapilit ang mga taga-press kaya ni-narrow down nalang ang choices niya between Kapuso and Kapamilya actors.

Una niyang pinili ang guwapong StarStruck host na si Dingdong Dantes. Pero umalma ang mga katsika ni primera contravida at humiling na mas bagets pa ang piliin. Game namang nakisakay ang aktres.

“Mas bagets pa ba? Wala na. Parang ka-edad ko na yata ni Gabby Eigenmann [na pamangkin niya] yang mga yan. Ano na yata, baka kasing-edad na ng mga anak ko yanay, hindi na p’wede. Hindi ba May-December…ay hindi…[dapat] medyo mga 40s na. Or 38. Gerald [Anderson], mga Dingdong [Dantes], Derek [Ramsay]…that age group. Jericho [Rosales]…”

May nag-suggest ng mga pangalan nina Ruru Madrid, Daniel Padilla, at Enrique Gil.

“Huwag naman…masyadong baby naman sila sila Ruru, lalagyan ko pa sila ng tsopeta [tsupon or pacifier],” biro ni Miss Cherie.

“Gusto ko talaga ’yong p’wedeng ma-in love sa akin talaga at p’wede magbayad ng mga drinks ko…Enrique played my son. How?”

Giit ng aktres, mag-stick nalang sa late mga nasa 30s age bracket na leading men.E, well I’m older than Mylene [Dizon] so, p’wede pa ’yon. May-December na rin ’yon. Dahil mas matanda na rin ako.”

Sino kaya ang mapalad na leading man?

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dingdong, hindi bibitaw sa pangarap na makasama pa rin sa isang project si Eddie Garcia

Jericho, hindi pa ready maging tatay ulit

HIGHLIGHTS: Gerald Anderson’s 30th birthday celebration

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.