Exclusive: Mag-iinang Lorna Tolentino at Rap and Renz Fernandez, ipinasilip ang bagong bahay!

Kagabi, December 18, ginanap ang intimate birthday dinner ni Rap Fernandez, ang panganay of the two boys nina Lorna Tolentino and Rudy Fernandez.

The dinner party was held sa bagong mancave ni Rap. It’s a newly constructed three-story house na nasa likuran ng original Fernandez house na nasa isang exclusive QC village.

The new house ay para kay Rap talaga pero “aampunin” niya muna ang Mama LT at kapatid na si Renz habang kino-construct naman for total renovation ang original Fernandez home, na nakatakda nang gibain.

In place of the old home, magtatayo ng dalawa pang bahay... isa para kay LT at isa para naman kay Renz. Kaya bale magiging magkakapit-bahay ang mag-iina  sa isang compound soon, instead na nakatira sa iisang bubong.

“Ang konti lang kasi namin, kaya ayaw na naming maghi-hiwalay,” paliwanag ni Rez. 

For the meantime, sa bahay muna ni Rap uuwi sina LT at Renz kaya dinelegate muna ni Rap ang isang kuwarto ng kanyang second floor para sa mama niya, habang ang mas bonggang third-floor room na may veranda ay ipapagamit muna niya kay Renz.

Ayon kay Rap, nabuo ang plano nilang maging magkakapit-bahay nang finally ay ibenta na sa kanila ang lote sa likod ng original house nila. They used-to-be empty lot ay ginawang garahe ng mga Fernandez for the longest time. But now that it’s theirs, nagkasundo silang hatiin sa tatlo ang lote para sa tig-iisang bahay nilang mag-iina. 

Ang cute at ang saya, di ba? 

Samantala, binigyan kami ng exclusive pasilip ng magkapatid na Rap at Renz, with Rap even showing us some of his collectible toys. 

Kasalukuyan palang silang naglilipat ng gamit at ang birthday dinner daw ni Rap served as rehearsal para sa mga future intimate parties na bubuuin nilang mag-iina for friends in the near future.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.