March 1, 2019 nang unang masilayan ang beauty ni Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang ang misteryosang bida-kontrabida na si Lily.
Ang original na usapan daw between LT and Ang Probinsyano production head—na pinangungunahan ng bida ng serye na si Coco Martin na umaaktong creative head and one of the unit directors—ay isang buwan lang ang ilalagi ni “Lily” sa show.
Pero dala na rin ng malikot na imahinasyon ni Coco, nanganak na nang nanganak, so to speak, ang mga eksena ni Lily at marami pa raw naiisip na sitwasyon si Coco involving Lily, isang scheming na negosyanteng malapit sa mga pulitiko.
Kaya naman nito lamang early May ay pinapirma na pala si LT ng extension contract na nagsasaad na mamamalagi siya sa show hanggang September or for an additional four-and-a-half months. More than triple ng original na usapan.
Ito ang naidulas ni Lorna, also called LT in showbiz, sa movie press during her launch as the newest beauty ambassador of
BeautéDerm Corporation, ang direct-selling beauty brand na patuloy na lumalago, last March 11, 2019 na ginanap sa Seda Hotel Vertis North sa Quezon City.
Happy naman daw si LT sa extension niya sa Ang Probinsyano. And very thankful siya kay Coco dahil bukod sa naisip daw siyang isali sa popular at long-running teleserye ay napaka-intresante pa ng role na ibinigay sa kanya na bagama’t ayaw niyang kumpirmahin ay tila inisiip ng mga manonood na inspired ito sa buhay ng convicted pork barrel scammer na si Janet Napoles.
“Kasi very interesting ’yong role na ’yon,” lahad ni LT. “Una bilang arista, lahat naman ang gusto talaga magkaroon ka ng isang meaty role na ibibigay sa’yo. And I’m so happy na naisip ni Coco na isali ako sa Ang Probinsyano na meron isang hindi mo mawari na character, hindi mo maintindihan kung saan ba siya pumapanig.”
Maski raw si Coco ay naiintriga na rin sa naging takbo ng character ni Lily kaya’t sige raw ito sa kakaisip ng mga bagong lalakbayin ng role ni Lily.
“Masyado kasi silang naiintriga sa character so ’yon nagkakaroon nang maraming ideas lalo na si Coco. Pag meron siyang… ‘Sandali, parang gusto ko ito mangyari kay Lily…’
“Magkakaroon siya ng idea and then tinatanggap namin kaagad lalo na no’ng ibang actors. Kumbaga, parang ‘Sige, sige gawin natin yan.’ Kasi nga sa lahat no’ng mga kontrabida ’yon sa akin ’yong hindi mo pa malaman kung ano siya.”
LT, who is incidentally celebrating her 50th anniversary in showbiz his year, says na nakakasabay naman daw siya sa mga bagong atake ng mga production creatives ngayon, lalo sa Ang Probinsyano—meaning, on-the-day ang pagbigay ng script o kaya’y ora-oradang itong binabago.
“Ang kagandahan kasi, like ’yong magmamadali dahil kailangan maraming mawala na kumakandidato [na artista ng show], so ang naisip nila talaga si Lily ang magbibigay ng clue kung nasaan sila…so, doon na umandar nang umandar ’yong role, ’yong isang pagiging doble-kara—minsan mabait, minsan bargas na babae—so nagiging complicated.”
YOU MAY ALSO LIKE:
'Ang Probinsyano' is now on Netflix—but with an interesting English title
Lorna on finding new love: “No more!”