WATCH: Sarah Geronimo, may na-edit out nga bang kissing scene sa Unforgettable?

Sa ginanap na press conference para sa pelikulang Unforgettable ni Sarah Geronimo kamakailan sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City, hindi maiwasang matanong si Sarah tungkol sa mga unforgettables sa kanyang buhay at isa na rito ay kung sino ang maiko-consider niyang “unforgettable leading man,” among her several ones in the past.

 

“Si Milo,” ang mabilis na sagot ng Popstar superstar.


“Kasi iba ’yong feeling po kapag mahal na mahal mo ’yong mga ka-eksena mo...e, mahal na mahal ko ’yong ang mga aso, si Milo.”

 

Si Milo ang asong kasama niya sa Unforgettable na siyang gumanap bilang si Happy.

 

“So, hindi siya naging mahirap po for me [na ka-eksena]. Ewan o kung sa kanya nahirapan siya sa akin,” natatawang dagdag ni Sarah.

 

At birong pagtatapos niya: “Willing nga po ako mag-kissing scene kami kaya lang strict yata si Kuya Tristan, ’yong parent niya, so hindi siya natuloy, pina-edit out, e.”

 

Unforgettable showing on October 23.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.