Miko Palanca: a video tribute

December 9 nang pumutok ang balitang pumanaw na ang aktor na si Miko Palanca.

Ikinagulat ito ng publiko. Marami ang hindi agad naniwala. 

Pero ang pakikiramay ng Film Academy of the Philippines, isang lehitimong organisasyon ng mga taga-showbiz industry, ang nagpatotoo ng balita.

Sa huling bahagi rin ng programa ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda kagabi ay nagpa-abot na ang TV host ng kanyang pakikiramay sa pamilya ni Miko.

Dito na nakumpirmang wala na nga ang guwapong aktor na kilala ng mga colleagues bilang mahiyain at tahimik na tao.

May mga naglabasang di kanais-nais na reports tungkol sa naging sanhi ng pagkamatay ni Miko. Pero agad na humingi ng privacy ang pamilya ni Miko na lubos na nagdadalamhati sa ngayon.

Si Miko, who was 41 when he passed on, ay nakababatang kapatid ng aktor na si Bernard Palanca.

Ipinakilala di Miko bilang member ng Star Circle Batch 8 noong 1999. 

Ang weekly teen-oriented show na Tabing Ilog ang kauna-unahan niyang TV project sa ABS-CBN. Naging bahagi din siya ng mga TV shows gaya ng  K2BU (2000), Kay Tagal Kang Hinintay (2002), at It Might Be You (2003).

Recently ay naging bahagi din siya ng shows gaya ng FPJ's Ang Probinsyano (2016) at Nang Ngumiti Ang Langit (2019); habang ang Cinemalaya 2013 film na Amor Y Muerte ang nagsilbing huling pelikula niya.

Miko was the son of car racer Bernard Palanca, Sr., na maagang namayapa. At apo naman siya ng LVN matinee idol na si Armando Goyena.

Miko is survived by him mom Pita Revilla, kapatid ng actress-TV host na si Tina Revilla, at mga kapatid na sina Bernard, Erika, Martin, at Santi.

Isang taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Miko.

May you rest in peace.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.