Kambal ni Aga at Charlene at Kambal nina Carmina at Zoren, ang guguwapo at ang gaganda sa personal!

Kapwa bitbit ng celeb couples na sina Aga Muhlach-Charlene Gonzalez at Carmina Villarroel-Zoren Legaspi ang mga respective kambals nila sa 45th MMFF Gabi ng Parangal na ginanap last December 27 sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Carmina stars in the horror flick Sunod at nominated siya sa pagka-best actress that night; habang Aga represents Miracle in Cell No. 7 at nominated din siya sa pagka-best actor that night

Nagpadagdag sa ningning ng gabi ang dalawang pares ng kambal, lalo na ang Muhlach twins na sina Andres at Atasha na madalang masilayan ng publiko; kumpara sa Legaspi twins na unti-unti nang sumasabak sa showbiz via GMA-7 shows.

Mas pinagkaguluhan ng mga movie press and bloggers ang mga kambals kesa sa mga parents nila na mukang tanggap naman ng mga cool parents nila. 

Para naman sa mga fans na nakapuslit sa lobby ng New Frontier that night, sulit na sulit ang gabi nila sa pakikipag-selfie sa mga kambal na game namang maki-pose, even ang mahiyaing si Andres Muhlach.

Puro “ang gaganda” at “ang popogi” ang naririnig naming komenta tungkol sa mga kambal that night at tama naman sila. Pare-parehong husto sa tindig at all-glammed up ang two pairs ng twins at wala kang itulak-kabigin.

But unlike the Legaspi twins na may showbiz exposure na kahit papaano, ang said awards night at ang pagsakay palang sa float ng Miracle in Cell No. 7 last Parade of Stars sa Taguig last December 22 ang maituturing na showbiz exposure ng Muhlach twins at mukang ngayon palang sila nasasanay sa malawakang atensyon ng publiko. Mukang after college pa magde-decide ang Muhlach twins kung ita-try nilang mag-showbiz pero base na rin sa obserbasyon ng tatay nilang si Aga, mukang between the two ay si Atasha ang mas may interest umarte.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.