Full Movie: Ginto’t Pilak, a BFFs-turned-lovers film na binudburan ng aksyon

Interesting ding i-throwback ang supporting cast ng Ginto’t Pilak. Imagine, kontrabida dito ang batang-batang si Jay Manalo as a ruthless Japanese gang leader, habang pampa-selos naman si Bb. Pilipinas-International 1997 na si Susan Jane Ritter. Nandito rin ang dating nag-a-action star na si Bong Villafuerte (nasaan na kaya siya) at ang kung fu sensei na si Tony Candelaria a.k.a. Tsing Tong Tsai. The rest of the cast includes Ruel Vernal, Dick Israel, Roldan Aquino, Berting Labra, Wilson Go, Val Iglesias, Joey Padilla, Lucita Soriano, at ang nag-iisang Bella Flores.

Photos: Viva Films/ Viva Films YouTube Channel

Interesting ding i-throwback ang supporting cast ng Ginto’t Pilak. Imagine, kontrabida dito ang batang-batang si Jay Manalo as a ruthless Japanese gang leader, habang pampa-selos naman si Bb. Pilipinas-International 1997 na si Susan Jane Ritter. Nandito rin ang dating nag-a-action star na si Bong Villafuerte (nasaan na kaya siya) at ang kung fu sensei na si Tony Candelaria a.k.a. Tsing Tong Tsai. The rest of the cast includes Ruel Vernal, Dick Israel, Roldan Aquino, Berting Labra, Wilson Go, Val Iglesias, Joey Padilla, Lucita Soriano, at ang nag-iisang Bella Flores.

Action-romance ang 1998 movie na Ginto’t Pilak na pinagtambalan for the first time nina Rudy “Daboy” Fernandez at ang namamayagpag na sexy actress at that time na si Rosanna “Osang” Roces.

Directed by Romy Suzara, ang Ginto’t Pilak ang tungkol sa mag-BFF na scammer si Dina (Osang) na isang night club dancer at si Ben (Daboy) na bouncer naman sa same club.

Pinapain ni Dina ang kanyang alindog to lure wealthy DOM clients to bed at saka eentrada si Ben para takutin at i-blackmail ang mga mae-elyang mama para magbigay ng pera kapalit ng buhay.

They keep getting away with it until ma-head-over heels ang isang Hapon, who’s part of the Yakuza gang operating in Manila, kay Dina. Aatakihin ang Hapon habang tangkang gagahasain si Dina at maiwan nito sa kanya ang isang attaché case containing money and a disc na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa kanyang mga illegal activities.

Ikinataranta iyon ng mga bosses sa underworld kaya’t hahantingin nila si Dina to silence her habang sige naman kaka-knight in shining armor ni Ben sa pag-protekta sa kanya.

Kakatago at kakalustay ng pera ng Hapon, nagka-in love-an. The end.

Entertaining ang movie hindi lang dahil sa mga action scenes ni Rudy Fernandez kundi dahil suwabe ang pasok ng mga comedic scenes na hindi awkward para sa status ni Daboy bilang action film royalty. In fact, bagay at nasasakyan niya. Si Rosanna Roces naman ay may innate comic timing talaga. Nakakatuwa din ang treatment sa gradual development ng romance between the jologs BFFs na sina Dina (Osang) at Ben (Daboy).

At dahil sa lakas ng chemistry nila here, the team up spawned a TV tandem, sa sitcom na Daboy en Da Girl ng GMA-7 noong 2002.

Interesting ding i-throwback ang supporting cast. Imagine, kontrabida dito ang batang-batang si Jay Manalo as a ruthless Japanese gang leader, habang pampa-selos naman si Bb. Pilipinas-International 1997 na si Susan Jane Ritter.

Nandito rin ang dating nag-a-action star na si Bong Villafuerte (nasaan na kaya siya) at ang kung fu sensei na si Tony Candelaria a.k.a. Tsing Tong Tsai.

The rest of the cast includes Ruel Vernal, Dick Israel, Roldan Aquino, Berting Labra, Wilson Go, Val Iglesias, Joey Padilla, Lucita Soriano, at ang nag-iisang Bella Flores.

You can now watch/rewatch this late 90’s Daboy movie for free via the Viva Films YouTube Channel, which link you’ll find below.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.