Exclusive: Lovi Poe, muntik atrasan ang bagong pelikula tungkol sa kabit; “Sabi ko, wala na ba akong ibang mai-o-offer?”

Hindi na raw matandaan ni Lovi Poe kung kelan niya nalaman na King of Philippine Movies, si the late great FPJ (Fernando Poe, Jr.), pala ang kanyang tatay.

 

Na-realize lang daw niya ang pagiging Da King nito noong pumanaw ito noong December 14, 2004.

 

“I didn’t expect na ganoon kadami ang mga supporters niya,” say ni Lovi sa maikling exclusive pakiki-tsika niya sa pikapika.ph

 

Then as now, nagbe-beg off si Lovi kapag hinihingan ng mga memories niya with her dad. 

 

“Given my situation, it’s best to be respectful to the family,” pag-iwas pa rin niya nang subukan namin. “I’ve always been quiet about it. I hope you understand po.”

 

A year after her dad passed on, Lovi decided to give showbiz a try at unti-unti siyang ipinakilala ng manager niyang si Leo Dominguez sa madla, first as a singer, dahil ’yon daw ang talagang dream niya.

 

Maski daw sa eskwelahan noon ay first choice niya lagi ang glee club over drama club.

 

And even if she’s carrying her famous last name, hindi naging madali ang journey ni Lovi sa showbiz. On the contrary, it has given her tremendous amount of pressure dahil na rin sa mga expectations. Bukod pa roon, may mga factions noon na hindi nagustuhan ang paglitaw niya sa publiko.

 

Hindi naman daw niya sinadyang umiba totally sa goody image ng kanyang papa by accepting daring roles later on. But she’s glad that she did dahil nakatulong ito na maka-kawala siya sa anino ng ama and carve her own path.

 

Fast forward to today at isa na siyang accomplished actress. Pinagkakatiwalaang ng mga lead roles—both on TV and in movies—at nakapag-uwi ng rin ng mga acting awards from FAMAS, Cinemalaya, and PMPC.

 

The viewers see past beyond her sexy image dahil she delivers naman sa acting department and even sa box office at ratings.

 

Nagkataon lang na medyo naka-rami na siya ng mga pelikula at teleseryeng ang tema ay adult love triangle or kaya naman ay mistress drama—The Bride and the Lover (2013), Ang Dalawang Mrs. Real (2014), The Escort (2016), The Significant Other (2018), The Annulment (2019). 

 

Kaya nang matanggap daw niya ang pitch ng Viva na The Other Wife, nag-cringe na umano siya sa title palang.

 

“When I first the script and then the title was The Other Wife, I was already, ‘Ahh another affair/relationship problem story...Should I do this?’” pagre-recall ni Lovi sa reaction niya.

 

“The first thing na pumasok sa utak ko is, ‘Gagawin ko na naman ’to, wala na ba akong mai-o-offer na bago?’ Ayoko naman na isipin ng mga tao, ng viewers na paulit-ulit nalang, na it’s the same thing.”

 

Pero nagbago daw agad ang isip niya nang, after reading the script, ay maski siya ay ginulat ng major twist nito. Psychological thriller pala kasi ang pelikula at hindi basta kabit story lang.

 

“I didn’t expect how unpredictable it was...coz when you see the word ‘wife,’ or that story...all of a sudden, you already know the storyline...This, I didn’t predict at all. That’s one of the reasons why I said yes.”

 

Feeling niya daw, ang character niyang si Janis (na siyang naaagawa ng asawa sa story, base sa trailer) is another step-up challenge sa pagiging artista niya lalo pa’t tila may sasaksakin siya dito sa galit (na thank God daw ay never pa siyang nakaramdam ng ganoong klaseng poot sa buong real life niya). 

 

“When I read the script, it takes me to the next step ulit po, e...I’ve been pushing myself to the limit, kumbaga. I get even more daring every character I portray and this is another push,” patuloy na k’wento ni Lovi. 

 

“And I was nervous and I was scared because I don’t wanna keep just doing love scenes...but the storyline made me say yes.”

 

“And of course, Direk Prime Cruz,” dagdag niya. “’Yong tiwala ko sa kanya because of his good reputation.”

 

[Direk Prime Cruz is the fellow behind Sleepless (2015), Ang Manananggal sa Unit 23B (2016), Can We Still Be Friends? (2017), and Isa Pa with Feelings (2019) among others.]

 

 

Samantala, kung panonoorin ang trailer, tila may moment na pinagsama sila ng character ni Joem Bascon (who plays as her husband Ronnie) sa iisang bubong ng seksing kababata nitong si Luisa (Rhen Escaño). Umo-open relastionship ba ito?

 

In real life ay hindi raw niya kaya iyon, no matter how modern she may seem to appear sa mata ng publiko.

 

Hindi rin daw niya kering mapatawad ang cheating in real life cause she hates being lied to at maaalala lang niya lagi so no point in continuing with the relationship. 

 

Pero kapag may hunch na raw siya na nangangaliwa ang partner niya ay kakausapin niya ito and give him some benefit of the doubt pa rin. Dahil hindi raw siya ang tipong mag-iimbestiga nang pailalim.

 

When asked naman kung kaya ba niyang makipag-make love sa isang multo or otherworldly creature gaya ng ka-intimate scene ni Joem sa isang eksena sa trailer ay napatigil muna si Lovi, saka nagsimulang sumagot na: “Hindi ko pa na-experience...”

 

Agad niya itong binawi dahil baka marinig daw siya ng mga taga-other world. Haha!

 

“Wag, please...wag po,” pakiusap niya sa imaginary multos. “Baka narinig nila [sinabi ko]. Sa tao nalang po,” natatawang pagtatapos niya sa brief tsikahan namin.

YOU MAY ALSO LIKE:

Lovi Poe, dream makatambal sa pelikula ang Korean actors na sina Park Seo-joon at Hyun Bin

Sa tanong kung naging “unfaithful” na ba, aamin kaya sina Rhen Escano, Joem Bascon, at Lovi Poe?

Lovi Poe, sinusulit ang bakasyon sa Los Angeles kasama ang nobyong si Monty Blencowe

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.