Ang nakaka-inggit na buhay-probinsya nina Gwen Zamora at David Semerad sa kanilang modern bahay-kubo sa Batangas

Ang Kapuso star na Gwen Zamora (na tumatak as Faye Kabisote sa pelikulang Si Agimat at is Enteng Kabisote ni Vic Sotto) at ang PBA player na si David Semerad became an item in November 2018.

 

A year after, in May 2019, nang mag-propose sa David, isang half-Czech, half-Filipino kay Gwen, na isa namang half-Italian.

On August 15, 2019, ipinanganak ni Gwen ang kanilang unang, si Baby boy Cooper.

 

Bago pa naging fiancé ni David si Gwen ay naipundar na niya ang kanyang farm lot sa Batangas. Nature-lover kasi ang first-time daddy. At ganu’n din naman ang first-time mommy.

 

Pag dating ni Baby Cooper sa buhay nila, napag-desisyunan ng engaged couple na magtayo ng farm house sa Batangas.

 

September 2019 nang simulan ang construction ng modern bahay-kubo nila na tinatawag nila ngayong, the Semerad Cabin.

 

The modern nipa hut reportedly has two bedrooms, a living room, at indoor and outdoor dining room at kitchens.

 

Kung dati ay weekend getaway place lang nila ang kanilang farmhouse, nasulit nila ang “vacation feel” dahil dito sila nagpalipas ng quarantine.

 

Feel na feel ng magkasintahan ang buhay-probinsya.

 

At bakit nga hindi? Bukod sa sariwa at malinis na hangin, ang ganda pa ng views ng nakikita nila sa araw-araw.

 

May bonus pang maaliwalas na sunrise at romantic na sunsets.

At dahil mahilig magtanim ng halaman si David—at may green thumb pa—kaya libre na ang kanilang supply  ng prutas at gulay.

So far, ay nakapagtanim na si David ng mga gulay na sili, talong, kamatis, mais, kalabas, calamansi, kamote, upo, okra, pipino at mga beans.

 

Sa prutas naman ay meron na silang lemons, guyabano, papaya, saging, banana, mangga, at maging pakwan.

 

Maganda ang combo nila dahil ang mga ani ni David ay kayang-kaya namang i-mix-and-match ni Gwen sa kusina dahil magaling itong magluto.

 

Ang s’werte ni Baby Cooper dahil lumalaki ito sa organic na environment at pagkain.

 

Pag mas sinipag, nag-a-outdoor barbecue sila.

 

Nakapag-entertain na rin sila sa kanilang kubo ng mga kaibigan from the city, na mukang pawang mga inggit sa simple but pleasurable lifestyle ng mag-dyowa.

 

So far, nadagdagan na ang pamilya nila. Kamakailan lang ay dumating sa buhay nila si Naia, na isang Rottweiler; at si Bob, ang kanilang kalabaw.

 

Bukod sa pagwo-work-out, gamit ang mga DIY (do-it-yourself) gym equipments na ginawa ni David, mahilig maglibot ang pamilya sa paligid-ligid ng kanilang barrio.

 

Pag chill time naman ay pa-duyan-duyan lang sila.

 

Nakaka-inggit, diba?

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.