Willie, may hinarana

Sa special dinner na hinanda ni Willie Revillame sa Wil Tower sa Quezon City kagabi para sa mga candidates ng Miss Earth 2018 ay napansin ng pikapika.ph na tila mas nakatutok ang TV host sa isa sa mga kandidata, ang Filipino-Italian na si Celeste Cortes. 

Napag-alaman ng pikapika.ph na nililigawan pala ito ni Willie para maging isa sa mga co-hosts sa Wowowin

Pero as co-host nga lang ba? Para may naaamoy kaming kakaiba dahil later that night, pinatugtog at ni-lipsynch ni Willie ang hit song niyang “S’yempre” at tila hinaharana ang dalaga. 
 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.