WATCH: Sharon, inistima nang todo ang mga dumagsang Sharonians sa VivaCon

Hindi nagpa-sindak sa masamang panahon noong Linggo, August 4, ang dagsa-dagsang Sharonians para sumugod sa second day ng Viva Convention sa World Trade Center sa Pasay City.

Iyon kasi ang takdang araw ng pagbibigay-parangal kay Sharon Cuneta bilang first ever honoree ng Viva Icon award na itinaon sa first ever mounting ng Viva Con at incoming 39th anniversary ng Viva Films, ang mother company na ngayon ay media giant ng Viva Communications, Inc.

Maituturing na highlight ng VivaCon ang nasabing parangal kay Sharon, ang first ever star ng Viva na siya ring dahilan kung bakit naitatag ang kumpanya noong 1981. Kasabay na binigyang parangal that day, posthumously, ang yumaong revered actor-director na si Eddie Garcia, na siya ring first director ng Viva sa maiden film nilang P.S. I Love You, which starred Sharon and Gabby Concepcion.

Maaga palang ay nasa venue na ang mga Sharonians at matiyagang hinintay ang special moment ng kanilang idolo. Pero sulit naman ang kanilang paghihintay dahil sila ang unang-unang pinasalamatan ng Megastar sa kanyang speech. 

Pagkatapos ng mga kaganapan onstage ay agad na pinuntahan ni Sharon ang mga Sharonians na nagsilipatan mula harap ng stage papunta sa gilid ng nababakurang backstage. 

Matiyagang nakipagkamay, nagpahalik, at nakipag-selfie si Sharon sa kanila. At mereseng naka-high heels si Mega at may danger na matapilok siya sa mga nakahambalang na bakal ng improvised bakod at sige pa rin sa kakalipat-lipat si Sharon, mapagbigyan lang ang mga Sharonians sa wish nilang maka-niig kahit sandali ang kanilang idolo.

Inabot rin ng 20 minutes ang pakikipagtsikahan ni Mega sa mga Sharonians na kulang nalang ay kamayan at pasalamatan niya lahat isa-isa. 

Pawang umuwing nakangiti ang mga Sharonians, pati na rin si Sharon mismo dahil sa masayang okasyon na ’yon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: Sharon’s emotional reunion with the del Rosarios of Viva

“Kung walang Sharon, walang Viva.”—Boss Vic del Rosario

First Read: Viva bestows its first ICON awards to Sharon Cuneta and Eddie Garcia

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.