Naging teary-eyed ang halos lahat ng members ng cast ng successful ABS-CBN morning show na Playhouse nang tanungin kung ano at sino ang mga pinaka-mami-miss nila sa show. Pero iba ang naging kaso ng child star na si JJ Quilantang, ang gumanap na foster child nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa show, dahil nagsimula itong ngingiti-ngiti lang pero kalaunan ay nag-breakdown.
Hindi na raw niya kasi makikita ang kanyang Momshie na si Angelica and the rest of the cast and crew na anim na buwan niyang naka-trabaho. Biniro-biro nalang siya ni Zanjoe para kalmahin.