Watch: Nadine answers the question “bakit wala pa silang project ni James Reid?”

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

 

Sa grand mediacon kamakailan para sa Indak movie ni Nadine Lustre at Sam Concepcion, hindi pa rin nakaiwas ang Multi-media Princess sa mga katanungan ng movie press tungkol sa boyfriend niyang si James Reid, partikular na ang tungkol sa hindi pa rin nila pagkakaroon ng project together, mapa-TV man o pelikula.

March 2018 pa sila napanood nga mga JaDine fans sa Never Not Love You, habang 2017 pa ang huling teleserye nilang Till I Met You.

Hindi pa gumigiling ang Miracle in Cell No. 7 nila ni Aga Muhlach pero pag nagkataon ay pangatlong movie na ito ni Nadine without James. Nauna na ang Ulan with Carlo Aquino at ito ngang Indak na magso-showing na on August 7.

Si James naman ang huling nakita sa movie ni Sarah Geronimo na Miss Granny, which was also shown last year.

Bagamat napabalitang gagawin nila ni James ang Pinoy remake ng Korean movie na Spellbound, wala pa ring linaw kung kailan ito masisimulan.

Bakit daw, ayon sa mga press, nauna pa ang Aga movie ni Nadine kaysa matagal nang inaabangang pagbabalik-tambalan nila on the big screen?

Pero ayon kay Nadine, wag na raw magalit o ma-disappoint ang mga fans dahil darating din naman iyon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre claps back at fan saying JaDine has broken up!

FAMAS win ni Nadine, na-predict ni James

IN PICTURES: Tamis-tamisang JaDine Moments sa Cr3w Concert

Nadine Lustre: "I want to tie the knot also but I'm not rushing."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.