WATCH: May kwelang reaksyon si Aga Muhlach at ang cast Miracle in Cell No. 7 nang malamang may pa-bonus si Boss Vic ng Viva

Sa P955M na total gross ng Metro Manila Film Festival 2019—na nagtapos noong Martes, January 7—halos kalahati noon ang pumasok sa banga ng certified blockbuster na Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films na pinagbidahan ng MMFF come-back actor na si Aga Muhlach.

Pagpalo palang sa P300M gross ay nagpatawag na ng thanksgiving party ang Viva para saluduhan ang cast and production staff ng waging-waging pelikula.

Ginanap ang thanksgiving party na ’yon last January 2 sa Draft resto-bar sa The Ayala Malls 30th sa Pasig, kung saan nagdatingan ang lahat maliban kay “cellmate” Mon Confiado, na noo’y nasa Christmas vacation pa.

Masayang-masaya ang atmosphere that night at  nagsalita ang lahat ng involved sa movie sa pangunguna ni Aga at ni Direk Nuel Nuval.

At some point ay tinawag ni Aga si Vincent del Rosario—whom he introduces as “parang kapatid ko na”—to say something, too. Si Vincent ay ang panganay na anak ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films na siyang tumatayong president at COO ng Viva ngayon.

At napakaganda ng mga binitiwang message ni Vincent. 

That night he declared Miracle in Cell No. 7 as a real miracle dahil kahit daw hindi madali ang naging journey sa pagbuo ng pelikula ay nag-emerge ito bilang isang true success story. 

“Salamat po sa lahat ng kasama namin sa journey,” panimula ni Boss Vincent na kilala din sa tawag na VDR.” “Maraming steps sa paggawa ng pelikulang ito na parang napagkalooban ng miracle...Kasi hindi [madali]. Miracle napagsama namin kayo [na cast]. Hindi madali pagsamahin ’yong schedule...

“Miracle na na-license namin ’yong pelikula kahit hindi madaling kunin ’yong title... Miracle na nakapasok sa festival dahil isa lang itong adaptation, pero napakita natin na even ’yong mga original director at producer sinabi ‘you did one better than what we did.’ 

“I think it says something sa galing ng Pinoy, galing ng ating director, ng ating team, ng ating mga artista...and then patuloy ’yong miracle dahil araw-araw tinitignan namin ni Boss Vic ’yong grose, hindi namin alam kung saan pupunta ’yong gross kasi sa 700 movies namin, ngayon lang may anomaly na ganito...second week mas malakas pa kesa sa first week! Sabi namin papa’no nangyari ito? Kasi nga miracle...

“Ngayon magkakaloob si Boss Vic ng miracle...” na ang tinutukoy ay ang “bonus.”

Sa puntong ito, nagpalakpakan at naghiyawan na ang cast. Maya-maya pa ay dumating na ang may hawak ng mga tseke na nakalaan para sa lahat ng involved sa likod at harap ng carema ng Miracle in Cell No.7, na as of press time ay extended pa ang showing sa mga sinehan.

Pagdating ng mga tseke ay spontaneous na napa-“One, two, three” si Aga. Kung napanood n’yo na ang pelikula, ito ’yong special routine nila ng character ni Xia Vigor na si Yesha kung saan nagha-hand gesture silang mag-ama (Joselito and Yesha) habang nagsasayaw. 

Nagkaroon ng konting delay sa pagso-sort out ng mga tseke kaya nagpalitan muna ng mga banter ang cast. Pero nang magsimula nang mag-roll call, sumigaw si Aga ng “Ayan na!” at spontaneous ding napa-“one, two, three” ang lahat ng nasa resto-bar sabay pakawala ng malulutong na tawanan. Ang saya lang!

By the way, bukod sa extended showing ang Miracle in Cell No. 7 sa mga local cinemas, may mga nakatakda ring international screenings ang MMFF 2019 blockbuster movie. 

At narito ang schedules ng ilang sa mga nasabing international screenings:

January 10—Malaysia; Singapore, Brunei
January 17—USA and Canada
January 29—New Zealand and Australia.

Congrats ulit, #TeamMiracle!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.