Watch: Laugh trip kung paano binisto ni Kakai ang pagka-trauma ni Maymay sa unang pasok nito sa sauna

Kagabi sa press conference ng Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema, pinag-kwento ang mga cast members sa mga naging bonding experience nila sa Hong Kong. 

Isang buwan kasing na-lock up ang cast doon para maging mabilis matapos ang pelikula na tungkol sa buhay ng mga OFWs natin doon.

Maraming kwento pero stand-out para sa amin ang pagta-try nilang mag-sauna ng mga girls, led by Kathryn Bernardo, Kakai Bautista, Lovely Abella, at ang bunso nilang si Maymay Entrata

At dahil hindi naman masyadong part ng kultura natin ang pagsa-sauna, na-culture shock ang apat sa nagisnan nilang eksenahan sa loob nito. Lalo na si Maymay. Karamihan daw kasi ng mga babaeng nagsa-sauna ay naka-full nude at may ibang naka-underwear lang. Hindi raw kinaya ni Maymay ang eksena.

Pero super laugh trip dahil si Kakai ang bumabangka.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.