WATCH: Harlene, nagyaya nalang ng inuman kesa umamin sa lovelife

Nakuyog ng mga movie press si Harlene Bautista sa Appreciation Night ng MMFF last week sa Sampaguita Events Place, kung saan tinanggap niya ang cash incentive para sa pagkakapanalo ng best picture ng prinodyus niyang Rainbow Sunset.

Nagpa-unlak naman siya ng impromptu interview at very honest na sinagot ang ilang katanungan tungkol sa sinapit ng relasyon nila ng estranged husband niyang si Romnick Sarmenta.

Pero pagdating sa sinasabing bagong lovelife niya ay biglang naging tikom ang bibig ng actress-turned-movie producer. Diumano, ang nagpapasaya ngayon kay Harlene ay dati niyang kasama sa That’s Entertainment ni Kuya Germs [German Moreno] noong late 80s.

Sunod-sunod ang mga tanong kay Harlene at pawang ngiti lang ang isinasagot niya.

Nitz Mirrales [of Journal Online]: Nagbabalik?

Rose Garcia [of Abante]: Gaano na kayo katagal?

Allan Diones [of Abante Tonite]: Sino dyowa mo, Mars?

Hindi malaman ni Harlene kung saan babaling hanggang sa napa-sip nalang siya ng wine sa hawak niyang baso, sabay biro na: “Lasingin n’yo nalang ako isang gabi at baka lumabas yan!”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.