WATCH: Ejay Falcon, umaming nakapang-“ghosting” na rin!

WATCH: Ejay Falcon, umaming nakapang-“ghosting” na rin!

Naging trending ang salitang “ghosting” dahil sa isyung kinasangkutan kamakailan nina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Julia Barretto. Ang ghosting ay ang millennial term ng “pang-iiwan sa ere.” Mga karelasyong nawawalang parang bula kaya kadalasan ay walang closure.

Ayon kasi sa equally trending na pahayag ni Bea Alonzo kamakailan, wala daw silang malinaw na break up ni Gerald. Dagdag pa ni Bea: “He just started not talking to me.”

Sa mga showbiz events lately, hindi tuloy nakakaiwas ang mga artista na matanong ng mga press kung nang-ghosting o na-ghosting na ba sila? Isa ang guwapong si Ejay Falcon, who will soon star in ABS-CBN’s action-drama series, Sandugo, sa mga natanong tungkol dito.

Naganap ang tsikahan sa #BeautéDermxStarMagic launch, kung saan isa si Ejay sa siyam na kabataang celebrities na ipinakilala sa press sa brand ambassadors ng nasabing beauty brand.

Aminado si Ejay na noong kabataan niya (he’s now 29), ay nakapang-iwan na rin daw siya sa ere. Pero never na raw naulit ’yon. At malamang hindi na maulit dahil mukang sa kasalan din naman pupunta ang two year relationship nila ni dating StarStruck Season 3 contestant na si Jana Roxas.

“’Yong totoo po talagang may dumating sa buhay ko… pero masasabi ko sobrang bata pa ako noon, e,” nangingiting kwento ng very honest na si Ejay. “ Bata pa ako. Ang dami pang gumulo sa utak ko. Bata po ako noon .”

Alamin natin kung ano pa ang masasabi ni Ejay tungkol sa ghosting…

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.